Nasa higaan na kami ngayon ni Samuel. Nakayakap ako sa katawan niya habang hinahaplos-haplos naman niya ang balikat ko. "Masarap din itong ganito, Darcy. Nakahiha lang tayo tapos nakayakap ka sa akin." Lihim akong napangiti. Napakaraming magagandang pangyayari ang nasaksihan at naranasan ko ngayong araw na ito. At isa na itong pagiging open sa akin ni Samuel sa totoong nasa isipan niya. "Ako rin, Daddy. Ngayon ko lang din masasabing masarap din iyong may kayakap ako sa gabi. Nakakakuwentuhan. Nasasabihan ng kung ano mang nasa isipan. "We will do this every night if you want." "Oo naman! Gusto ko syempre." Nagkatawanan kami. "Masayang-masaya si Patrick, Daddy. Pinagbigyan siyang makapasok ulit ni Gov sa eskuwelahan." "I am expecting that he will let Patrick enrol, Darcy. Nasabi

