Gaya ng sinabi ni Samuel, dumaan muna kami sa mansiyon ng gobernador bago kami umuwi. Sabik kaming sinalubong ni Patrick. "Darcy! Ahy miss yu!" Akmang yayakap pa siya sa akin ngunit pinigilan siya ng mga kamay ko. Bukod kasi sa exaggerated siya ay nakatingin din sa amin si Gob habang nagkakape ito sa sofa. Imbes na batiin siya pabalik ay una akong bumati sa gobernador. "Good morning po, Gob," magalang kong pagbati na tinanguan naman nito. Kontento naman na ako sa sagot niyang iyon. "Good morning, Pa," bati rin ni Samuel sa ama. Nang lingunin ko si Patrick ay nakasimangot na siya sa akin at saka nakahalukipkip at padabog na umupo sa tabi ng gobernador. Lihim na lang akong napapangiti sa pagkaisip-bata nito minsan. "Bakit parang si Daddy ang na-miss mo at hindi ako, Darcy?" nasa

