"Samuel!" Patakbo akong sumalubong sa kanya. Kitang-kita ko kasi ang pagliliwanag ng mukha niya nang makita niya akong pababa ng hagdan. Wala akong inaksayang sandali nang malapit na ako sa kinatatayuan niya. Talagang tinalon ko siya at yumakap sa kanya nang buong pagkasabik. Tumawa siya nang malakas nang saluhin niya ako at sagutin ng mahigpit na yakap. "Darcy. Oh, baby. I miss you!" bulong niya sa akin. Hindi naman ako nakatiis. Pinaghahalikan ko ang mukha niya at nang makarating sa bibig niya ang mga labi ko ay hinalikan ko na iyon nang malalim. Kaagad naman siyang tumugon sa halik ko. "I miss you too, Daddy! Sobra," bulong ko sa kanya nang maghiwalay na kami. Tinitigan ko siya nang masuyo at ipinarating pati ng mga mata ko kung gaano ko siya na-miss. "Welcome back, Attorney," b

