"Kuya Jose, huwag po muna tayong umuwi. Daan po muna tayo rito." Inabot ko sa kanya ang phone ko kung saan naroon ang picture ng address ni Sir Brian. "Sige po, Sir Darcy. Pwede pong itanong kung sino ang pupuntahan natin sa address na iyan?" Tumaas ang isang kilay ko sa tanong niyang iyon ngunit naiisip kong siguro ay nagbilin si Samuel na kung may pupuntahan akong iba ay kailangan alamin niya. "Ah, sa apartment po iyan ng teacher ko, Kuya. Hindi po kasi siya pumapasok ng ilang araw na eh may kailangan po akong itanong na importante sa kanya." Pinagdiinan ko ang salitang 'importante' para mabigyan ng mabigat na reason ang pagpunta ko sa bahay ng aking guro. "Okay po, Sir Darcy. Copy," sagot naman niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Akala ko pa naman ay mauudlot pa ang pagpunta k

