Marahas akong lumingon sa kaniyang gawi at hindi na inalintana kung ano man ang kaniyang isipin. This is bizarre. He shouldn’t have said that! Hindi naman kami close tapos gusto niyang magpanggap ako bilang girlfriend niya? For what reason? Hindi man lang niya inisip kung papayag ba ako o hindi.
Kahit madilim, nilingon ko pa rin siya at tinitigan nang seryoso. Ramdam ko rin naman kasi ang kaniyang titig na nakakatunaw. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa kaniyang ginagawa dahil ultimo ako, nalilito. Girlfriend? Hindi naman ako naghahanap ng tutulong sa akin pero ito ba talaga ang ibinigay ni Lord sa akin?
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kung hindi ko naman gaanong kakilala ang lalaking ’to, bakit ko naman gagawin ang bagay na ’yon? Bakit ako papayag sa lalaking hindi ko naman kilala?
“The f**k are you saying?” pasigaw na tanong ko sa lalaking ’to nang hindi na ako mapakali sa sinasabi niya.
Hindi na nga ako makahinga nang maayos, kung anu-ano pa ang sinasabi niya. Tingin ba niya matutuwa ako? Hindi. Mas lalo lang akong nainis sa kaniya. Hindi pa niya ipinaliwanag kung bakit. Basta na lang niya sinabing magpanggap ako bilang girlfriend niya.
Ayos lang sana kung hindi ako ikakasal sa hindi ko kakilala, sige. Ngunit ’yong ganito? No. Never. Kahit pera pa ang ibigay niya, hindi ako papayag. Mahalaga sa akin ang oras ko. Imbis na magpanggap ako, puwede namang tumakbo na lang ako at magtago para kung sakali man, hindi ako mahahanap ni Daddy—hindi niya ako ipapakasal. Tatakbuhan ko ang bagay na ayaw kong mangyari pero hindi naman sa lahat ng oras, makakatakbo ako.
“Nag-iisip ka ba? Bakit mo naman ako—”
“Why? Is there something wrong?” seryosong tanong niya sa akin na nagpatigil sa akin.
Ayaw kong mangdamay ng tao sa problemang mayroon ako. Kahit pa gaano siya kalakas, wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko pang harapin ang problemang mayroon ako kaysa ang idamay ang taong walang kamuwang-muwang sa problemang kinakaharap ko.
Nagtangis ang aking baga habang nakatingin sa lalaking nasa aking harapan. Madilim man ngunit ang kaniyang nakakapasong mga titig sa akin ay nanatiling humahaplos sa aking puso—sa aking isipan.
Ikinuyom ko ang aking kamao upang kumuha ng lakas. Hindi rin biro ang problemang mayroon ako tapos madadagan pa nang isang lalaki.
“Pretend to be my girlfriend.”
Pagak akong natawa nang maglaro na naman sa aking isipan ang kaniyang sinabi. Pinaglololoko ba ako ng lalaking ’to? Hindi kasi ako nakikipagbiruan sa kaniya ngayon.
“You know what? Aalis na lang ako. Baka lasing ka lang,” pahayag ko na lamang nang sa gayon ay matapos na ang pagbibiro niya.
Marami na rin naman siyang nainom. Ilang beses nga siyang um-order ng alak—nakadalawang bote na rin. Kaya hindi talaga impossible ang malasing siya.
Akmang tatayo na sana ako nang bigla na lang niyang hinapit ang aking bewang na naging dahilan upang ako ay mapatili sa gulat.
“What the—”
I sat on his lap.
Fuck! This is so embarrassing! Kung hindi lang niya ako pinigilan, sana hindi ko ’to mararanasan. Kaso hindi! Damn it! Gusto ko lang namang makaalis sa kaniyang tabi pero bakit gan’to pa ang nangyari? Bakit kailangan ko pa ring makipaglaro sa lalaking ’to?
“Let me go!” sambit ko nang maramdaman kong idinikit niya ako sa kaniyang katawan.
Nalanghap ko tuloy nang hindi sinasadya ang kaniyang pabango at hininga—pinagsamang nakakaadik na pabango at alcohol.
Pinamulahan naman ako ng aking pisngi sa gulat at hiya dahil bakit sa isang Rivanov pa ang nakausap ko ngayon? Ang daming taong puwedeng makilala pero siya pa? Really?
“Mister,” nanginginig na boses kong tawag sa kaniya hanggang sa narinig ko na lamang siyang napangisi. “What’s funny?”
“Nothing. I just found you cute,” he explained, but I gritted my teeth.
Walang cute sa nangyayari ngayon. Kung hindi lang sana niya ako hinapit, sana walang nakakahiyang pangyayari ang mararanasan ko sa buong buhay ko.
Ayaw ko ngang ikasal pero nandito ako ngayon sa kandungan ng lalaking hindi ko naman gaanong kakilala. Rivanov nga siya pero bukod doon, wala akong alam sa buhay na mayroon siya. Basta sikat lang ang pamilya nila sa business world, iyon lang.
Kung hindi nga ako nagkakamali, matapobreng babaeng Rivanov. May kumakalat na information noon—na kung saan ay ayaw niya raw sa mga mahihirap para sa anak niya—saying their love was forbidden. Hindi ko nga lang sigurado kung totoo pero pinili kong kalimutan ’yon dahil hindi naman mabubura ang kabutihang ginawa ng mga Rivanov sa lahat nang isang pagkakamali lamang.
After all, valid naman ang gusto ng babaeng Rivanov na ’yon. Mali nga lang sa iba dahil nasaktan ang babaeng pinagdamutan niya ng pagmamahal, ginawa niya lang naman ’yon dahil may gusto siya sa kaniyang anak na babae. Kung ako rin naman kasi ang ina, mas gugustuhin ko ring mapunta sa mabuting babae ang anak ko pero hindi naman aabot sa puntong paghihiwalayin ko sila.
Iintindihin ko na ang puso ay may sariling desisyon—ang anak ang masusunod na sana ay ganoon din ang gawin ni Daddy. Sana hayaan niya akong mamili ng lalaking mamahalin ko. Kaso mukhang malabo. Parehas tuloy kami ng babaeng ’yon—walang kalayaang magmahal.
“You’re spacing out,” aniya na nagpatigil sa akin.
Right! Nasa kandungan nga pala niya ako pero heto ako, may ibang iniisip. Mabuti na lamang at kinuha niya ulit ang atensiyon ko pero hindi ako natutuwa sa gan’to. Damn it!
“Bitawan mo ako,” mariing utos ko sa kaniya.
Marahang tumatama pa kasi sa mukha ko ang kaniyang paghinga. Saktong nakatuon naman ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Maliban pa roon, ramdam ko ang kaniyang matigas na abs.
Hell!
“No, Aze.”
Hah! Kailan ba niya ako titigilan? Gustong-gusto ko nang kumawala pero hindi ko man lang magawa dahil sobrang lakas niya.
“Ano—” Hindi ko na nagawang tapusin pa ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang kaniyang palad na bigla akong isinubsob sa kaniyang dibdib.
“Don’t talk,” he instructed me.
Pumasok naman sa aking ilong ang lahat ng kaniyang pabango pero hindi ko maiwasang manigas sa aking kinauupuan lalo na nang marinig ko ang kabog ng kaniyang puso na halos nagpahina sa akin nang tuluyan.
Gusto kong magsalita pero nang maramdaman ko ang pamilyar na aura, natigilan ako at parang natulos pa sa aking kinauupan. Ah, tumatakbo nga pala ako at tinataguan ang mga lalaking humahabol sa akin.
“Hanapin niyo!” sigaw ng isang boses nang tumigil naman ang tugtog.
Kumalabog naman ang aking puso sa gulat lalo na at halatang stress ang mga ’to. Nawala nga ako sa kanilang mga mata pero ngayong pilit ako nagtatago, mas lalo lamang akong naiiyak sa nerbyos.
“Boss, wala,” wika naman ng isa na hindi gaanong malayo sa aking puwesto.
Mas lalo ko namang isiniksik ang mukha ko sa dibdib ng lalaking ’to para mas lalong itago ang sarili ko. Hindi rin tinanggal ni Hunter ang kaniyang palad sa likod ng ulo ko na para bang ayaw niyang lingunin ko ang mga lalaking humahabol sa akin.
Hindi naman sa assuming ako pero ramdam ko talaga na ayaw niya. Wala rin naman akong balak. Mas gugustuhin ko pang magtiis sa ganito kaysa sa bagay na alam kong pangit ang kahihinatnan ko.
The world is cruel to me pero at the same time, wala naman akong ibang magawa kung mabuhay at labanan lahat para lang mabuhay.
“They’re gone.”