Nang marinig ko ang kaniyang sinabi ay bigla na lamang akong napalayo nang kusa sa kaniyang dibdib. Tinanggal na rin naman niya ang kaniyang palad sa likod ng aking ulo pero nanatili ang kaniyang matigas at malapad na bisig sa aking bewang kaya hindi ako makatayo. “Wala ka pa bang balak tanggalin?” matapang na tanong ko sa kaniya sa kabila ng nerbyos na nararamdaman ko magmula pa kanina. Sobrang lapit kasi namin. Halos manghina pa ang mga tuhod ko sa mga nangyayari dahil una sa lahat, wala naman sa plano ko ang makipag-usap sa isang lalaking hindi ko naman kakilala tapos mapapaupo na lang ako kaagad sa kaniyang kandungan? I didn’t plan this. f**k! Imbis na magsalita siya, mas lalo lang akong napikon. Madilim nga sa puwesto namin at walang makakakita nang maayos kung tutuusin pero huwag

