“Nasaan ka nga?” sigaw ni Kassidy nang sagutin ko ang kaniyang tawag. Ilang oras na rin ang lumipas nang magpunta ako rito sa condo ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi matulala lamang at pilit inaalala kung ano ang nangyari pero ang tanging naaalala ko lang ay ang mukha saka boses ni Vile. “Sa condo,” tipid na sagot ko sa kaniyang tanong. “Bakit?” “Nakita ko ang sasakyan mo rito sa parking lot,” wika niya na nagpahugot naman sa akin nang malalim na hininga. Oo pala, iniwan ko sa parking lot ng mall ang sasakyan ko dahil tumatakbo pala ako at may mga sumusunod sa akin. Right! Bakit ko ba nakalimutan? Dahil kay Vile? Damn! Kaya ayaw ko sa mga lalaki, madalas nila akong guluhin sa isip ko. Ayaw ko pa man din ang gan’to pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman na ako makakaalis

