Pinaharurot ni Vesarius ang kaniyang sasakyan habang ako naman ay naiwang tulala dahil nasa harap na kami mismo ng hotel. Ramdam ko ang titig na ipinupukol sa akin ni Vile pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang ayaw ko ng pumasok sa loob ng hotel at mas gugustuhin ko na lamang tumakbo palayo sa lalaking ’to. Like, what the heck? Bakit kasi napunta ako sa ganitong sitwasyon kung alam ko naman na ayaw ko? Wala man lang akong idea na pinagtatagpo ba kami ng tadhana habang nasa kalagitnaan ako ng problema ko. “What are you waiting for?” pukaw ni Vile sa aking atensyon. Nagngitngit naman ako sa galit at binalingan siya nang masamang tingin. Wala akong idea kung anong klaseng lalaki ba talaga ang Rivanov na ito. Hindi ko alam kung nag-aalala lang siya sa akin o talaga bang balak

