"PERSONALITY" (part 2/1)Ang pagbabalik.
......"Hindi madaling magsimula nang malayo sa lahat ng nakasanayan mo na...
Nang malayo sa mga mahal mo sa buhay.
Pero.. Gaya nga ng sabi ko, kailangan ko ito upang hanapin at buuin ang sarili ko."
-hanie-
Una niyang pinuntahan ang puntod kung saan nilibing ang dalawa niyang kaibigang si Gerald at Roxy na biktima ng mga kabataang nalulong sa kasamaan ng mundo.
Si Gerald na isang nerd at mabuting tao na pinahirapan, binugbog at walang awang pinaslang.
Si Roxy na napakabuting kaibigan at ulirang anak sa mga magulang ay walang awang pinagsamantalahan, binugbog at pinahirapan tsaka pinatay ng walang kalabanlaban.
Nabigyan man sila ng hustisya sa mga nangyari sa kanila ay mananatili ang sakit ng kinahinatnan ng pangyayari sa kanilang pagkamatay para sa mga taong nagmamahal sa kanila.
"Naipaghiganti ko na kayo sa mga taong bumawi ng mga buhay ninyo. Hindi man sapat dahil wala na kayo ay kailangan ko na ring harapin ang buhay ko para sa mga taong natitirang mahalaga saakin at tanggaping hindi na maibabalik pa ang buhay ninyo. Salamat sa masasayang alaala na pinagsamahan natin. Paalam Gerald and Roxy."
Pagkatapos mag sindi ng kandila at mag alay ng mga bulaklak ay umalis na rin siya.
Ilang oras din na biyahe bago nakarating sa probinsiya.
Naupo siya sa buhanginan sa tabi ng dagat kung saan napatay ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya.
Si Sam Singson. Sa pagsariwa ng mga alaala ay umagos ang masaganang luha mula sa mga mata niya.
"I miss you Sam..." Umihip ang hangin na tila niyayakap siya nito.
"Salamat sa magagandang alaala na nagkasama tayo. Salamat sa pagmamahal mo at pag-aalaga. Hanggang alaala na lang ang lahat, gusto kitang makita at muling mayakap. Ngunit alam kong imposible na iyon mangyari." Tumayo siya paharap sa dagat. "Kailangan na kitang pakawalan at simulan ang buhay ko ng wala ka." Inihagis niya ang picture at palumpon ng bulaklak bilang alay sa dagat. "Paalam Sam..." Saka pinahid ang mga luha at naglakad na palayo sa lugar na iyon.
Mahaba-habang biyahe ang tinahak niya palayo sa kinagisnang lugar.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa lugar na sa tingin niya'y angkop sakanya.
Naghanap siya ng matitirhang paupahan. Pagkatapos ay nagsimulang maghanap ng trabaho, mahirap man maghanap ay nagtiyaga siya at nagtiniis sa pagod at pagtitipid. Hindi siya maaaring sumuko, hanggat kaya pa niya ay gagawin niya. Nang matanggap siya ay nagsipag siya ng husto upang makapag-ipon para makapag-aral. At naging maayos naman ang takbo ng trabaho niya maging ang sweldo. Kaya naghanap siya ng eskwelahang mapapasukan. Dito sa lugar na ito niya sinimulan ang panibagong yugto ng buhay niya. Nasasabak pa rin siya sa pakikipaglaban sa tuwing madadaan siya sa mga may masamang balak sakanya,dito niya pinag-aralang ang pagkontrol sa sarili niya upang hindi umabot sa puntong mapatay niya ang kalaban. Dito niya hinasa ang sarili at hinubog ang pagkatao at pangarap.
Nahirapan man siya ay unti-unti naman niyang natutunan ang bawat teknik.
Isang taong paghihirap ngunit hindi sumuko. Kahit sinong tao ang humarap sa sitwasyon niyang iyon ay hindi kakayanin at susuko na lang. Pero siya ay hindi pinanghinaan ng loob. Dito niya sinubok ang pagkatao.
Sa pangalawang taon ay masasabi niyang maayos na ang takbo ng lahat nang pangyayari sa buhay na tinahak niya. Unti -unting lumalawak ang kaalaman niya at karanasan. Sa pangatlong taon ay nakapagtapos na rin siya sa two years course. Siya namang pagkamatay ng mag-asawang pinagtatrabahuan niya na hindi biniyayaan ng anak. Lahat ng ari-arian ng mga ito ay ipinamana pala sakanya. Isa na doon ang hotel at ilan pang resort. Muli siyang nasabak sa malaking responsibilidad at trabaho. Nag karoon ng mga bagong kakilala at kaibigan. Ang problema lang ay hindi niya ibinibigay ng lubos ang tiwala niya. Nang maisaayos na niya ang pamamalakad at na settled na ang lahat ay nagpasya na siyang magpunta ng manila. Handa na siyang harapin ang lahat. Apat na taong walang communication kaninu man, maliban sa mama niya na once in a month pa kung magkamustahan.
Tinignan niya ang hello kitty at angry birds na stuff toy. Saka dinukot sa wallet ang picture nilang tatlo.
"Miss ko na kayo. Ano na kayang itsura nyo ngayon?"
Nakatayo si hanie sa tapat ng gate ng dating amo kung saan naroon pa rin ang mama niya. "Wala pa ring pinagbago." Sabi niya sa sarili. Nakasuot siya ng dress na black and white at off shoulder, na may red belt at Nakahut na white. Na tinernuhan ng red hills. Naka sling bag at isang maleta. Matapos pagmasdan ang bahay ay nagdoor bell siya. Lumabas ang babaeng sa tingin niya ay kaedad lamang niya ito. Hindi siya pamilyar sa mukha ng babae na nakasuot ng pangkatulong na uniform. "Sino po sila?ano pong kailangan nyo?" Magalang na tanong nito. "Uhm..anak ako ni mama phine,andiyan ba siya?at si Tita Very?" Sagot niya. "Ahh opo,halika po sa loob." Nahihiyang sabi nito. "I'm hanie,bago ka dito ano? Anong name mo?" Tanong niya sa katulong. "Opo,anita po." Sagot niya. "Wag mo na akong po-in. Ilang taon ka na ba?"..."22 ho."..."21 ako,see? Matanda ka saakin ng isang taon. Cut the po,okay? Isu- surprise ko sila." At nauna na siyang pumasok. Nadatnan niyang nag sasalo-salo sa hapag ang mga ito dahil tanghali na nga pala. "SURPRISE!! I'm back!" Bulaga niya sa mga ito. Naiwan sa ere ang isusubong pagkain ni Tita Ver. "Anita! Who's that woman?" Baling nito kay Anita. "Anak ko yan!" Sabay sabi at tayo ng mama ni hanie. "Oh! I miss you!" Yakap niya sa ina. "It's that you hanie?" Pinagmasdan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Yes I am Tita Ver!" Sabay beso-beso. "Oh! We miss you sweetie! You're so much pretty now! Look at you,para kang modelo! I like your body! Slim and sexy! Your out fit, fashion! Anyway! Kamusta sweetie?" Manghang sabi nito. "I'm pretty fine Tita. Kayo po,kamusta?" Tanong rin niya. "Yeah! I see. Okay naman kami,actually lumalago ang business. Marami nang pinagbago dito,like may katulong iba na rin. Ang anak ko eh lumaki na at nadagdagan pa ng isa. Well, si manang phine ay dito pa rin. Si Trixie? Ayun ang walang pagbabago! Si Sammy...oh anyway siya na lang ang kamustahin mo..masyado na akong madaldal. Halika kumain muna tayo." Ngiti lang ang sinagot niya.