CHAPTER 41 “Ano? Bakit siya nandito?” gulat na gulat na tanong ko sa kanya. “Wala akong alam, Cecilia. Hinahanap ka niya, nasa sala na siya at pinapasok namin. Puntahan mo na lang, Cecilia. Ikaw na lang ang humarap sa kanya.” basa pa ang aking buhok ay lumabas na ako ng kwarto. Suot ko ang isang dress na binili sa akin ni ma'am Pia kanina. Simple lang ang dress na ito, kulay asul na fit sa aking katawan. Lagpas tuhod ko iyon at sleeveless din. V- neck type ang nasa dibdib kaya nagsuot lang ako ng tube. Wala na rin naman kaming trabaho at ito ang sinabi ni ate Ritchel na isuot ko para maganda raw ang damit naming lahat mamaya para sa pictorial. Anong kailangan niya? Oo, nanghingi siya ng pera sa akin nung isang araw. Pero hindi ko siya binigyan dahil pinadala ko naman lahat sa pamilya ko

