CHAPTER 42 Lumabas si Tita, ang boses ni Sir Frederick ang nagpatigil sa kanya. Pati ako, nanlamig sa takot. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan na siyang makaalis. Sa totoo lang, nakaramdam din ako ng awa sa kanya. Pero mali ang ginagawa niya. Abusado na siya sa akin. “Are you okay, Cecilia?” ang marahang tanong ni sir Frederick ang nagbawas ng mabigat kong dinadala sa mga oras na ‘to. Ang kamay nya ay dumampi sa aking balikat. Pilit kong iginuhid ang isang ngiti kahit na hirap na hirap akong ipakita sa kanya ‘yon bago ako tumango. “Ayos lang po, sir. Pasensya na po sa tita ko. Hindi ko po inaasahan ang pagpunta niya rito. Kahit ako ay nagulat din nang makita ko siya. Wala akong alam kung paano at kung sino niya nalaman na rito ako nagtatrabaho.” mahina n

