CHAPTER 36 “Ano? Saan mo na naman ako dadalhin? Iiwan na naman natin ang kapatid mo?” Hinila niya ako papunta sa kanya. Dahil sa takot kong baka may makakita sa aming dalawa na ganito kalapit ay agad ko siyang tinulak. Ngunit hindi natinag ang dibdib niya. Para akong nagtulak ng pader. “Tatanggalin natin 'yang selos mo, may paraan ako para matanggal 'yan.” umusok ang ilong ko sa galit. Nagseselos? Bakit naman ako magseselos dun? Wala akong pakialam kung mag- usap silang dalawa hanggang maghapon! Bigyan ko pa sila ng juice! “Pinagsasabi mo? Nagseselos? Saan nanggaling 'yan?! Gawa- gawa ka naman ng kwento!” tumaas na ng kaunti ang aking boses. “Come on, baby. I know your face when you're jealous.” sumasakit na ang ulo ko sa kakaikot ko ng aking mata. Talagang nakakainis siya! Nguming

