CHAPTER 35 Nagtagumpay akong magpadala sa pamilya ko ng malaking pera. Kaya lang daw nagsuka ang kapatid ko dahil sa lagnat niya. Binigyan lang siya ng doctor ng mga gamot. Pinadala ko sa kanila lahat ng perang binigay sa akin ni sir Frederick. Wala akong naiwan para sa sarili ko. Lahat binigay ko sa kanila. Ilang beses akong nagpasalamat kay sir Frederick sa binigay niyang pera para sa akin. Kahit wala ng natira sa akin, basta naasikaso lang ng maayos ang kapatid ko. Basta makakain lang ako ng tatlong beses sa isang araw okay na ako rito. Dalawang araw din ang tinagal ng kapatid ko sa ospital bago siya makalabas. Ngayon ay nagpapahinga na siya sa bahay. Nung nakausap ko nga siya ay masayang- masaya ito dahil marami na raw silang nakakain sa isang araw at palagi raw siyang busog

