CHAPTER 6

1619 Words
CHAPTER 6 “Do you want to do it or not?” Isipin mo ang dagdag na kita mo, Cecilia. Kapag tinanggap mo ‘to. Mapapabilis mo ang pagbabayad ng utang mo sa kanya at para na rin makakapagpadala ka ulit ng pera sa nanay mo. “Sige na nga, paano ba gagawin?” kung hindi lang dahil sa pera hindi ko ‘to gagawin. “I’ll wait for you here. Tawagan mo ako kapag nakita mo na siya. Sasabihin mo sa akin lahat ng mga galaw niya at kung sino ang kasama niya. You get it, Cecilia?” tumango ako. Simple lang naman pala ang gagawin ko. “Copy, sir!” nagthumbs up ako sa kanya at lalabas na sana nang may naalala ako. “Sir, kasi. . .” napakamot ako sa aking batok. “What? You don’t want to do it now?” umiling ako at kinuha ang aking cellphone mula sa loob ng bulsa ko. “Wala po akong load, sir. Pwede po pasaload muna? Idagdag n’yo na lang po sa utang ko sa inyo para mabayaran ko ng buo.” Mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin nito sa aking cellphone. Kitang- kita ko sa mukha niya ang panglalait sa cellphone ko. Kahit walang sinasabi halata na siya. “What kind of phone is that? Galing ba ‘yan sa mga ninuno mo?” inambahan ko siyang ihahampas ko sa kanya ang kamay ko. Wala man lang itong naging reaksiyon kaya hindi ko na tinuloy. “Kung makapanglait ka d’yan! Eh, sa wala akong pambili! Pake mo ba? Bigyan mo na lang ako ng load at ng matapos na ‘tong obligasyon ko sa ‘yo.” Imbes na sagutin ako ay may kinuha siya sa ibabaw ng dashboard niya. Latest iphone ang nakita ko, kaparehas iyon sa kanya. “Here, use my spare phone instead.” Sabi niya at nilahad sa akin ang iphone. Hirap na hirap akong bumili nitong keypad na cellphone ko tapos siya dala- dalawa ang iphone? “’Wag na, ito na lang. Hindi ako marunong sa mga ganyan, sir.” Hindi ko iyon tinanggap at binuksan na ang kotse niya. “Load, sir, ah? Register na agad, hindi kita matatawagan kung wala akong load.” Para makaganti sa kanya ay sinira ko na agad ang pintuan kahit sasagot pa lang ito. Ganyan, dapat maramdaman mo rin ang nararamdaman ko sa tuwing pinuputol mo ako. Pumasok ako sa loob ng mall. Sa laki nito paano ko naman mahahanap ang ex niya? Pumasok ako sa store ng mga beauty products dahil mukhang mahilig naman sa make- up ang ex niya. Pagpasok ko doon ay hindi ko nakita kaya lumabas ako. “Saan ko ba hahanapin ang babaeng ‘yon? Ang hirap naman!” nagdadabog ako sa labas ng jewelry store. Pangalawang store na ‘yon pero hindi ko pa rin nakita ang ex niya. Paano ako makakasampong libo nito kung hindi ko siya makikita? Dumating na ang load na inutang ko kanina kay sir. Sa aking patingin- tingin sa buong paligid ay may namataan akong babae. Matangkad at hanggang bewang ang buhok. “Siya ‘yon!” tinakpan ko ang aking bibig nang mapalakas ang sigaw ko at napatingin ang ibang mga taong naglalakad sa akin. Bunganga mo, Cecilia! Tumakbo agad ako para sundan ang babae. Ngunit mayroon akong napansin. Teka lang, bakit malaki ang tiyan niya? ‘Wag mong sabihin na buntis siya? Kumpirmado! Buntis nga! Sa baby section siya pumasok! Buntis na ‘yong ex niya pero hinahabol niya pa rin? Bago ako pumasok sa loob ay tinawagan ko muna si sir. “Any updates? Did you saw her?” “Yes, sir! Nakita ko na siya!” tinakpan ko ang bibig ko. Ang lakas talaga ng boses ko! “Pumasok sa baby section, sir! Buntis pala ‘to?” pabulong na tanong ko. “Follow her,” pumasok ako sa loob. Nasa tainga ko pa rin ang aking cellphone. Hindi mahirap hanapin ang babae dahil matangkad siya. Sa laki ng tiyan niya ay nasa limang buwan na yata iyon. “Sir, may lumapit na lalaki.” pasulyap- sulyap lang ako sa kanila. Nandito ako nakatayo sa mga sapatos ng mga bata. May kinuha akong isa at kunwari ay tinitingnan ko iyon. “That’s her boyfriend. What else are they doing?” lumipat ang mga ito sa crib ng mga bata kaya binalik ko na ang sapatos at nasa milk bottle naman ako ngayon. “What else are they doing, Cecilia?” naiinis na tanong nito. Ang bilis nitong mainip! Akala niya madali ‘tong ginagawa ko! Para na akong timang dito! “Tumatawa sila, sir. Nasa mga crib sila tumitingin. Tapos ang kamay nung lalaki nasa bewang nung ex mo.” Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako matawa. Actually, hindi naman sila tumatawa, seryoso silang dalawa. At hindi rin nakalagay sa bewang nung ex niya ang kamay ng babae. Gusto ko lang asarin. “Ang sweet nila, sir. Humalik na sa noo, sir. Tapos sa pisngi! Tapos-” pinutol niya ako. “Come back here!” nilayo ko ang cellphone sa aking tainga dahil sa lakas ng sigaw niya! Nakakabasag ng eardrums! Binabaan niya ako ng cellphone. Pakanta- kanta ako pabalik sa sasakyan niya. Sa backseat ako pumasok. “Sir, ang ganda pala ng ex n’yo. Tapos ang gwapo nung kasama niyang lala-” “Shut up, Cecilia. I don’t want to hear anything about that bastard.” Nagsimulang umandar ang sasakyan niya. “Bakit ba kayo nagbreak, sir? Matagal kayo? Sayang naman. Ang ganda sana nung ex mo kaso buntis na pala. Baka gawin ka pang ninong ng anak nila isama mo ako sa binyag. Sir, ah?” tumawa ako pero nung seryoso niya akong tiningnan sa rearview mirror ay nawala agad ang ngiti ko. “Sabi ko nga tatahimik na ako,” baka mawala pa ang aking sampong libo. Umuwi kami sa bahay nila at sa labas niya lang hininto ang sasakyan. “Go inside, bantayan mong maigi ang kapatid ko.” hindi ako lumabas at humirit pa ng isang tanong. “Saan kayo pupunta, sir? Baka magpapakamatay kayo ‘wag n’yong gawin, ah? Alalahanin mo ‘yang kapatid ko, ‘yong mga magulang mo, at ang mga kaibigan mo.” “Can you please go out? Ang dami mo pang sinasabi!” lumabas agad ako nang pinalo niya ang manibela. Nakakatakot naman ‘to. Humarurot agad ang kotse nito paalis. Pumasok ako sa loob ng bahay. “Magandang tanghali, ate Ritchel! Nasaan si Jacques? Natulog ba?” bati ko nang makasalubong ko ito. “Magandang tanghali rin, Cecilia! Nandoon sa loob ng kwarto niya. Pakitingnan nalang kung natulog ba.” sagot nito. “Sige, ‘te! Akyat na muna ako!” “Jacques?” nakatayo ako sa labas ng kwarto nito. Ilang beses na akong kumatok pero walang sumasagot, gising siya dahil naririnig ko ang tunog ng cellphone nito. Nang hindi niya ako pinagbuksan ay pinihit ko na ang doorknob. Naabutan ko siyang nakadapa sa kama niya at nakaharap na naman sa cellphone. “Jacques, tama na muna ‘yang cellphone. Mamaya kana maglaro pagkatapos mong matulog.” Parang hangin lang ang kinausap ko dahil wala akong sagot na narinig mula sa kanya. “Jacques,”nagpasiya akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa ibabaw ng kama nito. At para makuha ang pansin niya ay hinarang ko ang aking palad sa screen ng cellphone niya. “What’s your problem? Go out!” kuhang- kuha ang ugali ng kuya niya! “Sabi nga ng kuya mo ‘wag cellphone nang cellphone. Matulog ka na,” “I don’t want to sleep.” “Anong gusto mong gawin kung ayaw mong matulog?” hahabaan ko ang pasensya ko sa batang ‘to. Makukuha ko rin ang loob niya. “I want to play, on my phone.” Umiling ako. “’Yong iba, hindi kasali selpon mo. Gusto mo maglaro tayo sa labas?” suggest ko. “It’s hot outside.” Nakahinga ako nang maluwag nang binitawan niya ang selpon niya. “Mamaya? Gusto mo? Ang lapad ng garden n’yo pwede tayong maglaro doon.” Masayang sabi ko. Kumislap ang mga mata nito sa sinabi ko. “Really? You’ll play with me outside?” “Oo naman, basta matutulog ka.” Abot hanggang langit ang saya ko nang makumbinsi ko si Jacques na matulog. At tinupad ko nga ang sinabi ko sa kanya na maglalaro kami sa labas ng garden nila. Naghabol- habulan, tagu- taguan, at kung ano- ano pang laro ang ginawa naming dalawa. Maaga siyang natulog nung gabi, napagod sa paglalaro namin. Maaga rin akong pumasok sa kwarto ko para matulog. Ang kuya niya, wala akong alam kung nasaan. Hindi naman umuwi. Alas dos ng madaling araw nang makaramdam ako nang pagtuyo ng aking lalamunan. Bumangon ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Hinuhugasan ko na ang basong ginamit ko nang bigla akong nakarinig ng mga yapak. Nanlamig ang aking buong katawan. Nakapatay pa naman ang ilaw at ang tanging umiilaw lang sa kusina ay ang ilaw na galing sa labas. Humigpit ang kapit ko sa baso nang papalapit nan ang papalapit ang mga yapak. Nasa likuran ko na! Anong gagawin ko? Natatakot akong umalis sa pwesto ko. Nanatili akong nakatalikod, parang isang estatwa na nakatayo sa harap ng lababo. Hindi pa rin ako lumilingon. Sa isang iglap, naramdaman ko ang pagyakap ng mga kamay sa aking bewang, malapit sa aking tiyan. Ang init ng kanyang katawan ay dumikit sa aking likod. At kasabay ng pagdikit niya ng kanyang sarili sa aking likod ay ang bulong niya na nagpatayo ng aking balahibo. “You have a nice a$$. . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD