CHAPTER 2
“What the fvck? Why did you slap me?” hindi makapaniwalang sigaw nito sa akin nang malakas na tumama ang palad ko sa pisngi niya. Ang bastos niya!
“Is this for real? Did Engineer Galvez get slapped by a random woman?” may lalaking biglang sumulpot sa likuran niya at pinagtawanan siya. Siya ‘yong isang kasama niya sa table kanina.
“Shut the fvck up, Caleb.” Umikot ako at plano na silang takasan nang may humawak sa aking braso.
“Not so fast, woman.” Pigil nito sa akin para hindi ako makaalis. Dahil sa tama ng alak sa aking sistema ay muntik na naman akong matumba.
“Easy, Galvez, babae pa rin ‘yan.” Tiningnan niya ng masama ang kaibigan niya. “Sa dancefloor na tayo. Sabi mo hindi ka maghahanap ng babae ngayong gabi.” Inakbayan siya ng kaibigan niya at pilit na hinila papalayo sa akin. Hanggang sa makita ko na lang silang dalawa na nasa gitna na at pinalibutan agad ng iba’t- ibang magagandang babae.
Engineer ‘yon, hindi naman yata pumapatol sa mga babaeng katulad ko. Dahil sa iba’t- ibang kulay ng ilaw ay mas lalo akong nakaramdam ng hilo.
Kinailangan ko pang lumabas na muna para makalanghap ng hangin. Mahaba pa naman ang gabi. Uuwi akong may pera na mamaya at ipapadala ko ‘yon sa pamilya ko. Kapag may nahanap na akong matinong trabaho at nakaipon ng kaunti ay titigil na ako rito.
Sabi sa akin ni Kristine, okay lang naman kahit hawak lang, may pera pa rin naman silang binibigay. Kaya ko naman yatang magpahawak sa katawan, ‘di ba? Labag na labag sa loob ko ang trabahong ‘to. Kung may ibang paraan lang para kumita ng malaking pera.
Sa gitna ng aking pagmumuni- muni sa labas ng bar ay tumunog bigla ang cellphone ko. Nakaipit iyon sa bewang ko kaya kailangan ko pang itaas ang damit ko para makuha ‘yon. Madilim naman dito sa pwesto ko at may suot naman akong cycling.
Tumatawag si nanay. Gising pa sila ng ganitong oras? Sinagot ko kaagad iyon.
“Hello, nay? Bakit gising pa po kayo?” hindi boses ni nanay ang narinig ko sa kabilang linya.
“Ate! Tulog kana po ba?” si Reinna ang tumawag. Ang hilig nitong makialam sa cellphone ni nanay sa tuwing lasing si nanay.
“Reinna, anong oras na bakit gising ka pa?” tanong ko sa kanya.
“Ate, gutom na gutom na po ako. Wala pa po kaming kain simula kaninang tanghali.” Ang malambing na boses ng kapatid ko ang nakapagpahina ng buong sistema ko.
“Umutang muna kayo sa tindahan d’yan, Reinna. Sa kanila ni ate Jean- jean, umutang ka muna kahit isang kilo ng bigas sa kanila. Sabihin mo babayaran ko,” maraming tindahan ang umaayaw ng magpautang sa amin dahil matagal kaming magbayad.
“Pumunta ako kanina, ate. Kaso hindi na po pumayag, may utang pa kasi tayo doon nung isang buwan pa, ate.” Saan ako kukuha ng perang ipapadala sa kanila gayong wala rin akong pera.
“Wala na bang kahit kamote d’yan, hindi ba kayo kumuha sa bukid kanina?” may mga tanim ako sa harapan ng bahay namin. Para kahit papaano ay may pagkukunan kami ng makakain.
“May kamote akong naani kaninang umaga, ate. Kaya lang kinuha ni nanay at binenta.” Ang sakit sa pakiramdam na wala akong magawa at wala akong maitutulong sa kanila.
“Hindi ba binigay ni nanay ang pera sa inyo?” kahit halata naman ang sagot ay tinanong ko pa rin.
“Hindi, ate. Sinugal niya po kaso natalo po siya,” kumuyom ang aking kamao sa aking narinig. Hirap na hirap na nga kami sa buhay nakuha pang magsugal ni nanay. Kung binili niya sana ‘yon ng pagkain may laman sana ang tiyan ng mga kapatid ko ngayon.
“Kaya wala po kaming kain ngayon. Kanina pa po kumakalam ang sikmura ko, ate. Ilang beses na po akong uminom ng tubig.” Sa murang edad ng kapatid ko ay namulat na siya sa kahirapan. Bata pa lang kami, hindi na maayos ang pamilya namin. Nagbebenta ng mga pot holder si nanay sa palengke. Pero swerte na lang kapag binili niya ng bigas ang kinita niyang pera. Madalas ay tinatalo niya iyon sa sugal. Kaya elementary pa lang ako, natuto na ako sa mga trabaho sa bukid. Pagtatanim ng palay, pag- aani, at kung ano- ano pa pinapasok ko na para may pangkain kami. Masayang- masaya na kami kapag sa isang araw tatlong beses kaming kumain. Kapag wala talaga, natutulog kaming kumakalam ang sikmura.
“Maghahanap ng pera si ate, ipapadala ko kaagad d’yan sa inyo. Matulog kana, Reinna. Bukas may fried chicken kayong ulam. Pangako ni ate ‘yan!” pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na durog na durog na ako. Nawala ang tama ng alak sa sistema ko. Problemadong- problemado na ako at mas naging determinado akong gawin ang trabahong ayaw ko.
Nang matapos kong kausapin ang anak ko ay binalik ko na ulit ang aking cellphone sa pinaglagyan ko kanina.
“Miss,”
“Ay, manok!” napahawak ako sa aking dibdib sa labis na pagkagulat. May hawak siyang yosi at niyuyuyop niya iyon. Bakit nandito ang manok na ‘to?
“Nanggugulat ka naman!” naiinis na sabi ko. Bumuga lang siya ng apoy at tumawa.
“Kalalaking mong tao chismoso ka! ‘Wag kang makinig sa usapan ng iba.”
“You need a job?” tanong nito sa akin pagkatapos ay tinapon sahig ang hawak na yosi at inapakan niya iyon.
“Oo, may ibibigay ka ba?” bakit ba ako nakikipag- usap sa lalaking ‘to? Hindi ko nga ‘to kilala.
“Blow job me,” humagalpak ito ng tawa nang makita ang naguguluhan kong mukha. Anong bl0w job? Anong klaseng trabaho ‘yon? Baka may hihipan lang ako? Sabi kasi bl0w job.
“Malaki ba sweldo mo sa trabahong ‘yan? Kung malaki sweldo mo, go ako d’yan.” kung mataas naman ang sweldo sa kung ano man bl0w job na ‘yan e’di papasukin ko agad- agad! Kailangan ko ng pera.
Mas lalo siyang humagalpak ng tawa sa tanong ko. Ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya at gulong- gulo bakit siya tumatawa. May saltik yata sa utak ‘tong lalaking ‘to.
“May nakakatawa ba sa tanong ko?” at lintik na lalaking ‘to. Lumuluha na siya sa kakatawa.
“s**t, I’ve never met a person that doesn’t know that word. Fvck, you are so innocent.” Nahimasmasan na ito. Pero natatawa pa rin siya kapag nagtatagpo ang mga mata naming dalawa.
“Ano ba kasi ang bl0w job na ‘yan! May hihipan ba ako?” gulong- gulo na ako. Tumawa na naman siya. Tumalikod pa sa akin habang hawak- hawak ang tiyan niya. Nabaliw na yata, sayang, gwapo pa naman sana siya.
“Bahala ka nga d’yan!” hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa aking pag- alis.
“You need a job, right? I know you’re new with this, ngayon lang kita nakita sa bar na ‘to.” Tumango ako sa kanya.
“Kailangan ko kasi ng pera, narinig mo naman yata kanina kasi chismoso ka naman. Ito lang ang trabahong alam ko na malaking pera ang sweldo.” Paliwanag ko sa kanya.
“Bl0w job me, easy money. That’s my job offer for you. Deal or no deal?”