CHAPTER 3

1512 Words
CHAPTER 3 Dahil mukhang pera naman ako ay sinunggaban ko kaagad ang offer niya. Kung hindi man ako marunong sa trabahong ‘yan, mapag- aaralan naman. “Deal ako, kailan ako magsisimula? Pwede ba manghingi ng advance payment?” seryosong- seryoso ang mukha ko pero sa siya ay nakangisi sa akin. “If you want an advance payment, I can give it to you. How much do you need?” dapat ba akong magtiwala sa estranghero ito? Baka biglang scam ‘to. Pero sa gwapong mukha niya, malabo naman na scammer siya. “Seryoso ka ba d’yan, paano kung sabihin kong dalawampung libo? Ibibigay mo ba?” nagbibiro lang naman ako. Alam ko naman na hindi niya ibibigay sa akin kasi bago lang kami nagkakilala at malaking halaga pa naman ang hiningi ko. Nanlaki ang aking mga mata nang may kinuha siya sa loob ng bulsa niya. Naglabas siya ng wallet. Napalunok ako nang makita ang ilang libo sa wallet niya. Jusko, mukhang galing bangko pa ‘yong pera niya, wala man lang gusot- gusot. “Hala, nagbibiro lang po ako! Joke- joke lang naman! Magbibigay ka talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napatigil siya sa pagkuha ng pera mula sa pitaka niya. “Why? You said you need twenty thousand, right?” nagtatakang tanong nito. Ang bilis naman nitong magbigay. “Teka lang, pag- usapan muna natin kung magkano ang sahod ko sa araw- araw sa bl0b job na ‘yan. Baka mamaya ang liit pala ng sahod ko, makandakuba pa ako sa pagbabayad sa dalawampung libo.” Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa pagbibilang sa pera niya. Kumikinang iyon, bagong bago talaga. “Five thousand pesos a day,” simpleng sabi nito at inilahad sa akin ang pera niya. “This is twenty thousand, take it.” Nag- aalinlangan pa ako bago ko tanggapin ang pera. Nang ilang segundong hindi ko iyon kinuha ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at nilagay doon ang pera. “Here’s my calling card. Tawagan mo ako bukas at sasabihin ko sa ‘yo kung saang lugar tayo magkikita.” Nang tanggapin ko ang calling card niya ay tumalikod na ito at umalis na. Ang naiwan na lang sa akin ay ang pera at calling card niya. Binasa ko ang nakalagay na pangalan sa calling card. ENGINEER FREDERICK JULIAN GALVEZ Umuwi akong may pagtataka pa rin pero masaya rin dahil may pera na akong ipapadala para sa mga kapatid ko. Madilim na ang bahay nang makarating ako. Dumiretso na ako sa aking kwarto. Nilatag ko na ang pera sa kama at hinati- hati ko iyon para sa lahat ng mga gastusin ko at para sa pamilya ko. May ngiti sa aking mga labi habang nakatitig ako sa calling card sa aking kamay. Ang bait ng manok na ‘yon. Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para magluto ng pagkain. Itlog at ham ang niluto kong ulam at nagsaing na rin ako. Dinamihan ko na ng kaunti dahil baka wala na namang matira sa akin. “Ipagtimpla mo nga ako ng kape, Cecilia! Bilisan mo!” pinatay ko muna ang butane para hindi masunog ang niluluto ko. Humihikab pa at nagkakamot ng tiyan si tito nang ibigay ko sa kanya ang kape niya. Ang laki- laki ng katawan pero hindi naghahanap ng trabaho para may silbi naman. Kaya lumalaki ang tiyan kasi walang trabaho. “Ito na po, tito.” Nilapag ko iyon sa mesa at bumalik na sa pagluluto. “Balita ko sumama ka raw kagabi sa kanila ni Kristine? Nasaan na ang pera?” rinig kong sabi niya. “Magbibigay po ako mamaya, tito.” Magalang na sabi ko. “Mamaya pa? Ngayon mo na ibigay! Baka mamaya ubusin mo hindi mo pa kami mabigyan!” napaigtad ako sa biglaang pagsigaw niya. Nakita mo ng nagluluto ‘yong tao rito? Paano kung masunog ‘to? Tinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na sumagot sa kanya. Tinigil ko ulit ang pagluluto ko para kumuha ng pera sa loob ng kwarto. Bitbit ang limang libo ay lumabas ako ng kwarto ko. Dalawa na sina Tita at Tito nang maabutan ko sila. Lumapit ako sa kanila at kay tita ko inabot ang pera. “Ito po ang pera, Tita. Tulong ko po sa mga gastusin dito sa bahay.” Malapad ang ngiti ni tito at mabilis na kinuha ang pera. Ang sarap talaga nitong bugbugin. “Salamat, Cecilia.” Tumango ako kay Tita bago ako naglakad papunta sa kusina para magluto. Nang matapos akong magluto ay naligo na muna ako. Magpapadala ako ng pera para sa pamilya ko at pupunta rin ako mamaya sa bahay nina ate Kristine para magpaalam na hindi ako tutuloy sa trabaho. Malalim ang naging buntong- hininga ko nang makita ko ang hapagkainan na wala na namang natirang ulam. Ako na nga ang nagluto tapos ako pa ‘yong walang tiring pagkain? Simot na simot nilang dalawa. Nahiya pa at nagtira ng kaunting kanin. Dahil badtrip ako ay hindi ako kumain at umalis na lang. Ang ipapadala kong pera sa pamilya ko ay nasa twelve thousand. Ako na ang bahala sa sarili ko kung paano ko pagkakasyahin ang tatlong libong natitira para sa akin. Matapos kong mapadalhan ng pera ang pamilya ko ay parang nawalan ng pansamantalang tinik ang dibdib ko. Nakatitig ako sa calling card na binigay sa akin nung lalaki kagabi. Hindi na ako nagdalawang- isip na tawagan siya. Nakatayo ako sa labas ng isang bakery. Tinype ko na ang number niya sa cellphone ko at sa unang tawag ko ay walang sumagot sa akin. Oo nga pala, hindi niya pala alam ang number ko kaya malamang unregistered number ang nakalagay sa cellphone niya. Dahil walang sumagot sa tawag ko ay nagpasiya akong itext na muna siya. “Hi, ako nga pala si Cecilia. ‘Yong inalok mo ng trabahong bl0w job tapos binigyan mo rin ng 20k. Binigay mo sa akin ang calling card mo kasi sabi mo tatawagan kita ngayon kasi magtatrabaho na ako sa ‘yo. Sagutin mo na ang cellphone mo.” Napakamot ako sa aking ulo nang hindi iyon masend. Ang tanga ko talaga, expired na pala ang load ko! Naghanap ako ng tindahan para magpaload. “’Teh, paload nga po.” Sinulat ko sa papel ang number ko ay binigay ko sa kanya. Nang maibigay ko na ang bayad ko ay dumating din kaagad ang load. Sinend ko na ulit ang text ko. Ilang minuto lang ay tumatawag na sa cellphone ko ang number niya! “Hello! Ako nga pala si Cecilia! ‘Yong kausap mo sa ba- “Yeah, yeah, I remember you. Hindi pa naman ako ulyanin para makalimutan ka kaagad.” Putol nito sa sasabihin ko. “Buti naman kung ganoon, hehe. . .” natatawang sabi ko. Aaminin ko naman sa sarili ko madaldal talaga ako. Lalo na kapag kumportable ako sa isang tao. “So, where are you right now?” tanong nito sa akin. “Bakit? Saan ba tayo magkikita?” tama bang magtiwala ako sa lalaking ‘to? Kaso binigyan niya ako kagabi ng malaking halagang pera. Hindi naman yata scam ‘to. “Text me you location. Susunduin kita,” may narinig akong mga taong nag- uusap sa background niya pero hindi ko maintindihan kung ano ‘yon. “Ha? Sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita ako na ang pupun- Naiinis akong tumingin sa cellphone ko. Binabaan niya ako ng tawag! Ang hilig niyang putulin ang sinasabi ko! Tinext ko na sa kanya kung nasaan ako at hindi naman ako nakatanggap ng reply mula sa kanya. Ilang minuto akong naghintay sa kanya bago ako may nakitang sasakyan na pumarada sa aking harapan. Pota, ang linis at ang kinis ng sasakyan niya! Halatang mamahalin! Kahit yata paghawak doon ay matatakot ako dahil pakiramdam ko magagasgasan ko ‘yon. Bumaba siya mula sa driver’s seat. May suot itong shades at nakakulay puting hoodie. “Get inside,” nalulula pa rin ako sa sasakyan niya habang lumalapit ako. Bago ako humawak sa pinto ay pinunasan ko pa ang kamay ko. Natatakot ako na baka madumihan ko ‘yon. Binuksan ko ang pinto ng backseat at pumasok sa loob. Kung gaano kalinis ang labas ng sasakyan niya ay ganoon din sa loob. “Hindi pa ba tayo aalis?” tanong ko sa kanya nang makapasok na ako pero hindi niya pa pinapaandar ang kotse. “Bakit ka nand’yan? Do I look like your driver? Lumipat ka rito!” napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang sumigaw. “Eto naman, ‘yan lang pala hindi naman kailangan sumigaw!” maingat akong lumabas mula sa backseat at lumipat na sa tabi niya. “Fasten your seatbelt,” hindi ko pa nga nasasara ang pintuan may utos na naman. Akala yata nito ako si the flash, eh. Nang nilagyan ko na ng seatbelt ang katawan ko ay tsaka niya lang pinatakbo ang sasakyan niya. “Saan mo pala ako dadalhin?” tanong ko sa kanya. “Sa langit,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD