Literal na sinuyo ko siya. At sandaling iisang tabi ang pagiging mag-ina namin. At aaminin kong sobrang nahirapan talaga ako. Ipinaramdam niya sa akin na nawalan siya ng pakialam sa akin totally. Na bumilang pa nga ng mga buwan na halos wala siyang pakialam sa akin. Na malayo na sa dati na siya ang unang tumatawag o kaya naman ay nag-i initiate kaya ng chat simula pa lang sa paggising ko pa lang sa umaga. Dahil may pagkakataon pa nga na sa almost 30 messages ko ay isa lang dito ang na reply niya. At ang nakakatawa pa ay simpleng yes lang or no kaya. Depende sa itinatanong ko. Kaya naman minsang nakatsamba ako na sumagot siya sa call ko ay sinamantala ko na talaga... "Kailangan ba talagang ganito Mom? Na halos hindi mo pinapansin yung mga text or chats ko sa iyo?" May hinanakit na tan

