Subalit ang lahat ng ginawa ko ay tila wala lang sa kanya. Na para bang instead na kiligin siya ay pakiramdam ko ay naging dahilan lang yata ito upang lalo pang lumayo ang loob niya sa akin. Wala na din siya update sa social media nya. At higit sa lahat ay tila lumilipas lang ang mga linggo at mga buwan na halos hindi naman siya nagpaparamdam sa akin. At tanging kay Daddy nalang ako nakakakuha pa ng update tungkol sa kanila... "Sa ngayon ay nag-iisa lang naman siya sa bahay Anak. Pero sa huling balita ko ay muli siyang bumalik sa pagtuturo, matapos naman niyang makakuha ng stay-out yaya. Na nasa bahay lang kapag naman nasa school siya tapos ay umuuwi din naman matapos niyang makabalik sa bahay." Huminga ako ng malalim at sandali pa ngang napahawak sa sentido ko. "How about you Dad? K

