THIRD PERSON'S POV GULAT ang naramdaman ng binatang si Cold Herrera nang magpakilala ang babaeng tumawag sa kaniya ngayon lang. Hindi niya kasi inaasahan na tatawagan siya nito dahil noong huling beses na nagkita sila, kitang-kita sa mata ng dalaga ang pagtanggi sa alok niya. All he wanted to do was to help since that woman can actually let him feel like he is responsible and obligated to help. Huminga siya nang malalim. Napansin niyang nagtataka ang mga kaibigan sa inaasal niya ngunit dahil malayo ang distansya niya, hindi nagawa ng mga ito na tanungin siya. Wala rin naman siyang balak na sabihin sa mga ito ang usapan nila. Wala rin siyang balak na ipakilala sa mga ito si Spicey. Nakarinig siya ng malalim na buntong hininga sa kabilang linya kaya naman, naagaw niyon ang atensyon niya

