COLD'S POV NASA BAR ako ngayon kasama ang mga tropa. Nagkayayaan lang kami dahil may isang kaibigan namin ang malapit nang ikasal. Hindi pa man inaanunsyo, kasama kasi kami sa plano. Tsk. Bakit kailangan pang magpakasal? Is love not enough? Not a fan of weddings. Not a believer of love. That's what I am. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magpakasal ng dalawang taong nag-iibigan. Gaya ng sinabi ng kaibigan naming si Luis, kailangan daw nilang magpakasal para hindi na maagaw pa ng iba ang babaeng minamahal niya. That was the cheapest answer that I heard. They love each other and they should stay with each other for a lifetime. Weddings should not be part of that. Pwede naman silang magmahal nang hindi nagpapakasal. At kung sa takot na baka maagaw? It means hindi sila

