ILANG MINUTO pa lang silang naglalakad ay nararamdaman na ni Ana ang pagod, nararamdaman niya na rin ang pangangawit ng paa at binti pero hindi siya pwedeng magreklamo. Nandito na sila, hindi na siya pwedeng umatras pa. Hindi lang si Xyro ang maiinis sa kaniya kung hindi na rin ang tour guide nila na kasama. Nililibang na lang niya ang sarili sa paglalakad at paminsan-minsan na pagkuha ng mga larawan. Iyon na lang din ang ginagawa niyang break time para sandali silang huminto para makapagpahinga ang binti niya. Wala na rin ang signal kaya naman talagang wala siyang ibang option kung hindi kumuha na lang ng magagandang larawan ng tanawin. Kinukuhanan niya ang lahat ng makita niyang magagandang bagay. Halaman, bulaklak, katawan ng puno, at langit. Kahit na ang mga insekto, lahat ay kinukuha

