THIRD PERSON'S POV MAAGANG nagising si Ana kinabukasan dahil kailangan niyang mag-grocery, hindi man siya nakakapag-ani ng palay dahil sa laging sumusulpot si Xyro sa kaniyang tabi at hindi pa naman araw ng anihan ngunit nakapagtabi siya ng kaunting pera nang sa gayon ay may maibili siya para sa mga magulang ni Spicey. Kahit pa nandoon si Spicey at ang pinaghihinalahaan niyang kasintahan nito na si Cold na halata namang anak ng mayaman, hindi pa rin niyon mapipigilan ang pagpunta niya sa bahay ng kaibigan upang gawin ang normal naman na niyang ginagawa. Parte na ng buhay ni Ana ang pagdadala ng grocery doon. Kaya naman, naka-set na talaga sa kaniyang isip ang araw na ito. Dalawang beses sa isang buwan kasi siya kung magdala ng grocery at ngayon ang ikalawang beses sa buong buwan. "Dada

