SPICEY'S POV MATAPOS kong magpaalam kay Ana at magpasalamat sa lahat ng natulong nito sa akin maging sa pamilya ko ay muli akong umuwi ng bahay. Pinaliwanag ko rin sa kaniya ang relasyong mayroon kami ni Cold, nilinaw ko na malayo iyon sa iniisip niya. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag niyang sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol sa kakaibang relasyon na mayroon kami ni Cold dahil ayaw kong maisip ng mga ito na nagsisinungaling ako sa kanila. Mabait pa naman si nanay kay Cold, baka kapag nalaman nito na nagpapanggap lang kami ay magalit ito sa amin. Pinaalalahan ko na si Ana ng mga dapat kong ipaalala sa kaniya, madalas pa naman siyang magpunta sa bahay. Hindi ko rin nakalimutan sabihin sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa aming pamilya at pamilya ng mga Felimosso ngunit sinabi ko sa k

