SPICEY'S POV MADILIM na nang makalabas kami ni Cold sa gusali. Sinamahan niya lang ako sandali sa office ko para kunin ang gamit ko pero after that, dumiretso na rin kami sa parking lot. Hindi nga kami nag-uusap dahil naiinis ako sa kaniya pero hindi naman ako galit. Ayoko namang magalit sa kaniya pero sana i-consider niya rin ang gusto ko, 'di ba? Sana irespeto niya rin ang gusto ko. Hindi naman sa sinasabi kong wala siyang respeto sa akin. Minsan lang kasi talaga, hindi ko mapigilan ang pagiging pilyo niya. Naiintindihan ko naman na may mga oras na gusto niyang sabihin ang tungkol sa amin. Not exactly kung ano ang tungkol sa amin pero gusto niyang hindi nagtatago na para kaming may relasyong dalawa. Wala naman talaga kaming relasyon. At alam ko namang hindi magkakaroon. Pero mayroon k

