SPICEY'S POV MAGKASAMA kaming lumabas ng office of the editors na babaeng sumundo sa akin. Ngunit sa paglalakad ay nauna ako habang nasa likod ko siya. Maya-maya lang ay siya na ang pinauna ko. Halata naman sa kanya ang hiya dahil pinapauna ko siyang maglakad. Para bang ayaw niya na ako pa ang sumusunod sa kanya. Kaya naman nginitian ko na lang siya. Napatingin ako sa paligid at doon ay napansin ko si Cold sa di kalayuan habang nakatingin sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang tila lalapit siya sa akin na sasabayan ako maglakad. Sinenyasan ko naman siya na huwag lumapit dahil may kasama akong babae. Hindi dahil sa baka magselos ako at magustuhan ni Cold iyon, hindi dahil sa staff ang babae ng management team. At mas mayayari ako kapag nagsumbong ito. Ang management team kasi ang pinak

