SPICEY'S POV DUMIRETSO ang dalagang ako sa editorial office dahil kailangan kong kausapin ang isang editor in chief na humahawak sa akin. Siya kasi ang lagi kong kinakausap tungkol sa gagawin kong istorya dahil bukod sa mas mabait siyang kausapin, tapat siya sa sinasabi. Hindi siya nagsasabi ng mga gustong marinig ng isang manunulat. Honest siya sa kritisismong binibigay. Kaya naman, gustong-gusto at natutuwa ako dahil ito ang naging editor na naka-assign sa akin— si Ms. Fedelin. Iniwan ko muna si Cold sa labas. Sinabihan ko rin siyang huwag tumabi sa akin o huwag masyadong magpakita na iba ang pagkakaibigan kaming dalawa kaysa sa pakikitungo nito sa ibang tao. Ayaw ko lang naman kasi na magpahalata. Baka kasi may makahalata sa aming dalawa. Iba pa naman kapag nabahiran ang katotohanan

