TAHIMIK lang kaming dalawa ni Cold habang nakaupo sa steel bench na nasa labas ng emergency room. Hindi ko gustong magsalita dahil marami akong iniisip. Para bang hindi na kami nawalan ng problemang kakaharapin mula nang magpunta kami rito sa probinsya namin. Araw-araw, parang iba't iba ang problema at palala pa nang palala. Para bang hindi na matapos ang problemang mayroon kami. Ano bang ginawa naming kasalanan sa nakaraang buhay para pagdusahan namin ang ganito? Noong una ay tungkol lang naman sa kumpanya ang problema ko. And then Cold came into my life. Eventually, naresolba naman ang problemang iyon. Hindi nga lang sa gaanong magandang paraan, pero at least, nasolusyonan. Pagkatapos ay ang pagbubuntis ni Rica sa batang edad. Hindi pa tapos ng pag-aaral at graduating pa lang. I resolv

