SPICEY'S POV "WELCOME BACK, QUEEN!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang mga kasama ko sa trabaho at sa opisina na mayroong malaking banner at nakasulat doon ang mga salitang sinabi nila. Welcome back? Kanino nila nalaman na ngayong araw ang balik ko sa opisina? Nagtataka ako dahil naroon ang mga editor, staff, ambassador, manager at ang nakakapagtaka pa, naroon din si Irene. Hindi man ito nakikitaan ng saya dahil sa pagbabalik ko, nakatingin pa rin siya sa akin, hindi rin naman mukhang naiinis ang hitsura niya. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Kailan pa sila nagkaroon ng panahon sa akin? I mean, hindi lang naman ito ang unang beses na lumiban ako sa trabaho ngunit ito ang unang beses nilang gawan ako ng ganito. Nakakapagtaka nang sobra. Hindi ko talaga maiwasang hi

