SPICEY'S POV TATLONG araw na simula nang may mangyari sa amin ni Cold. Tatlong araw na rin akong hindi nakakapasok ng trabaho dahil sa sakit, bukod pa roon ang mga araw na lumiban ako sa trabaho dahil kailangan kong asikasuhin at pag-aralan ang paggawa ng paraan para sa problema ko. Tatlong araw na rin simula nang matulog sa apartment ko si Cold. Tatlong araw na rin niya akong binabantayan. Oo, dahil tatlong araw na akong nilalagnat. May oras na nawawala ang lagnat ko at nagiging malakas ako ngunit pagdating ng gabi at malamig na ang simoy ng hangin, muli na namang umiinit ang katawan ko dahil sa lagnat. Naging pabalik-balik iyon dahilan upang manatili Cold sa tabi ko na siya ko namang pinagpapasalamat Gustuhin man niyang itakbo na ako sa hospital upang mas mabigyan ng mabisang lunas,

