SPICEY POV NAGISING ako dahil sa sakit ng katawan nang subukan kong ipaling ang katawan ko sa kabilang side ng higaan. Balak ko sanang uminat dahil gising na rin naman ang diwa ko ngunit hindi ko na iyon nagawa nang bigla akong makaramdam ng pananakit ng katawan. Sa tingin ko ay ang sama-sama ng pakiramdam ko. Nilalamig din ako at hindi ko makayang bumangon. Kahit nakahiga ay nararamdaman ko na para akong dinuduyan sa hilo. Para akong nakahiga sa kama sa loob ng barkong umaandar sa gitna ng karagatan. Napahinga ako nang malalim. Ano bang ginawa ko para maramdaman ang ganitong kasamang pakiramdam? Sinikap kong imulat ang mga mata ko. At nang magawa ko iyon ay para bang gusto ko na lang pumikit ulit. Nanlanta ako. Ang masamang pakiramdam ay mas nadagdagan pa nang makita at mapagtant

