SPICEY'S POV NAGING mapusok ang mga halik ni Cold sa akin. Nalalasahan ko pa ang alak at kanina ko lang naman naranasan kung paano mahalikan, kakatwang nakakasabay na ako sa kaniya. Tunay ngang magaling si Cold, hindi niya pa man ako tinuturuan, natututo na ako. Mas lalong pinalalim ni Cold ang paglalaban ng aming mga labi nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi upang idiin iyon. Dahilan upang bumuka ang labi ko at tanggapin ang pumapasok niyang dila. Naging malikot iyon sa loob ng aking bibig. Tila naghahanap ng karamay. Naghahanap ng kakampi. Bagaman bago lang sa akin ang ganito, tila awtomatikong gumalaw ang dila ko upang pagalawin at matunton ang naghahanap na dila ni Cold. Nang sa wakas ay maramdaman iyon ni Cold, nagulat ako nang bigla niyang sinipsip iyon. Para bang ayaw nan

