THIRD PERSON'S POV ANG halik na iyon ay hindi lang saglit. Ang halik na iyon ay nagtagal. Hanggang na nararamdaman na ni Spicey na mayroong kiliting dulot ang halik na iyon sa kaniya. Hindi niya mapangalanan. Ngunit sigurado siyang nakakaramdam siya ng kiliti sa loob ng kaniyang tiyan. Umaalon ang puso niya at tumitibok iyon nang malakas. Ang bilis ng pintig ng puso niya ay para bang tumakbo siya ng ilang milya. Ganoon ang pakiramdam niya. Masaya at pakiramdam niya, lumilipad siya sa alapaap dahil sa halik ni Cold. Hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa halik o dahil si Cold ang humahalik sa kaniya? Kung ibang lalaki ba ang gagawa nito sa kaniya, ganito rin ba ang mararamdaman niya? Ganito rin kaya ang epekto sa kaniya? Sa tingin niya ay hindi. Tama nga ang sinabi ng kaniyang pub

