"Hoy, babae! Gising!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog sa braso ko. Pupungas-pungas kong dinilat ang mga mata ko at nakita ang mukha ng isang janitor fish. Sa sobrang kapal ng mga labi n'ya, dinaig n'ya pa ang encyclopedia. Tinaasan ko s'ya ng kilay at tamad na sumagot, "Ang ganda ng panaginip ko pero pumangit paggising ko." "Anong sabi mo?" Nagsalubong na ang mga kilay n'ya na mas lalo pang naging hindi kaaya-aya ang pagmumukha n'ya. Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig na tanging karton lang ang sapin. Nagsalita ako na hindi lumilingon sa kan'ya, "Mukhang isda na nga, bingi pa." Ayaw ko talaga sa lahat 'yong iniistorbo ang pagtulog ko. Inaasahan kong may mangyayaring bugbugan ngayon. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kulungan. May limang

