Ako si Alyanda Montecino. Ito ang aking kwento. Muntik na raw akong masunog sa loob ng bahay namin dahil iniwan ako ng nanay ko, samantalang nasa inuman naman ang tatay ko. Sana nga nasunog na lang ako no'ng mga panahong 'yon. Nang sa gayon ay hindi ko naranasan ang hirap na ibinigay sa akin ng mundo. Sana nga namatay na lang ako sa sunog na 'yon. Nang sa gayon hindi ko naranasan ang mag-isa simula no'ng una hanggang sa pagtanda ko. Sana nga na hindi na lang ako nabuhay. Nang sa gayon ay hindi ko natikman ang pait at sakit na dulot ng kahapong nagdaan. Paano ba at saan ko sisimulan ang pagkukwento sa buhay kong wala 'atang makikitang kasiyahan? Sige... Simulan natin no'ng inampon ako ng pamilya Punzalan. Si Mama Karidad ay may naging unang asawa at may tatlo silang anak na pawa

