XIII

2385 Words

CHAPTER THIRTEEN "RADEE, anak? Ang Papa mo ito." Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone nang mabosesan ang papa niya sa kabilang linya. Kasalukuyan silang naghahapunan nang tumunog ang cellphone niya. Humarap siya glass wall ng unit at tumingin sa mga nagdaraang sasakyan sa baba. Whew, nakakalula. "'O-oy, Pa. 'Musta man dira? Dugay ka man wa'y nakatawag," pabirong sabi niya. Kinamusta niya ito at sinabihang matagal ding hindi nakakatawag sa kanila ito. "Oo nga, eh. Pasensiya na, 'nak, ha? Abala sa hanap-buhay ang Papa mo, eh. Alam mo naman, hindi pa tapos ang iba mong kapatid." Ang tinutukoy nito ay ang mga half-siblings nila ni Reina. Sa unang pamilya ng Papa niya ay may lima itong anak. Tatlo na ang anak nito na pawang mga teenager na nang makilala ito ng Mama nila. Dayo k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD