CHAPTER TWELVE "RADEE." Nag-angat siya ng tingin nang magsalita si Thirdy sa tabi niya. Hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito. "Sir?" "I'll introduce you to Granny." Napasinghap siya. "Ha?" "Come on." Hinawakan pa siya nito sa likod kaya napatayo na rin siya. Ang init ng palad nito. Tila tumatagos sa tela ng poloshirt niya at nanunuot sa kanyang balat. "K-kahit ganito ang ayos ko?" alalang tanong niya. "You look presentable, don't worry." In her mind, she's scratching her head. "She's a good friend of mine, Granny. Radelyn, this is Selina Montreal." "H-hello po, Mrs. Montreal. Kamusta po kayo?" Bahagya pa siyang kumaway rito. Ang awkward naman nito. Huu! "Hi, Radelyn," magiliw namang tugon ng babae. "Simple but beautiful. Ganyan na ganyan ang taste ng mga apo

