Lumipas ang mga araw at Biyernes na. Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa puyatan at ingay sa bar pero hindi ko maitatangging unti-unti na rin naman akong nasasanay. Hindi na tumugtog sa mga lumipas na araw ang Golden Strings. Maging si Ken ay hindi na rin ulit napadpad doon dahil sa puspusang training para sa unang laban nila sa Lunes. Half of me is happy, kasi alam kong hindi na siya mapupuyat. Pero nalulungkot din ako kasi hindi ko siya nakita for almost four days. Gayunpaman ay nagfocus nalang ako sa trabaho. Mas lalong gumaan ang loob ko sa magpinsang Kyle at Jigs. Mukha silang mga playboy pero ang totoo ay mababait at maalaga sila. Kapag alas-tres na ay talagang pinipilit nila akong matulog. Ginigising nalang nila ako kapag magpapalit na ng shift. Si Kyle din ang halos nag

