It's a Friday night. Kapag ganitong Biyernes ay mas maraming tao sa bar dahil ito daw ang best day for hangouts. Tatlong linggo na ako sa ojt ko at nasanay na ako sa maingay at magulong paligid tuwing ganitong oras. Pero parang mahilo-hilo ako ngayon dahil sa pagwawala ng mga kabataang nanonood sa performance ng Golden Strings. "Damn these lucky bastards, mukhang aaraw-arawin na nila dito ah?" Tumabi sa akin si Jigs habang nakaayos ang mga mata kina Ken na nagpeperform. Nakangiti ito habang kumakanta. "Paanong hindi? Pinopormahan yata ni Ken itong si Ayesha e." Sumulpot din si Kyle sa tabi ko. Tumawa lang ako. Kung dati kasi ay dalawang beses lang sa isang linggo ang gig nila dito, ngayon ay halos gabi-gabi na. Hindi kasi ako mapilit ni Ken na lumipat ng morning shift kaya ito ang paraa

