Pareho kaming tahimik habang nasa biyahe. Pero hindi ito yung tipo ng katahimikan na awkward. Ito yung katahimikan na bunga ng sobrang kasiyahan. Yung sa sobrang gaan at saya ng nararamdaman naming dalawa, hindi na namin kailangang magsalita para ipaalam iyon sa isa't-isa. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building. Agad kong tinanaw ang buong lugar dahil ngayon lang ako nakarating dito. Medyo malayo ito at matagal-tagal na nagdrive si Ken. Pero sa kabila ng matagal na biyahe ay hindi matanggal sa amin ang ngiti. Bumaba siya at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hinapit niya ang beywang ko nang makababa ako. "Ken nasaan tayo?" Tanong ko. Ngiti lang ang isinagot nito. Inakay niya ako papasok sa malaking building na iyon. Hindi na rin ako nagtanong dahil mas nae

