"H-hindi mo ba pupuntahan yung mga kasama mo?" Tanong ko sa kaniya. Hindi kasi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakatitig niya. Umupo pa talaga siya sa high chair sa tapat ko. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba ang pagmimix na ginagawa ko. "Why? Ayaw mo ako dito?" Tanong nito. Nakagat ko ang labi ko sa biglang pag-iling. That's not what I mean. Ngumiti ito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. I immediately freed my lower lip. Naiilang na talaga ako. "Naiilang ka pa rin?" Hinanap nito ang kamay ko at hinawakan iyon. Napapansin ko na rin ang pagtingin sa amin ng mga teammates niya. Lalo akong naiilang sa mga titig nila. "Akala ko ba mahal mo ako?" Lumunok ako at tumango. "Anong gagawin ko para hindi ka mailang?" "S-sorry.." Ngumiti ito. "Ang hilig mong mamula ano?" Nag-iwas a

