"Jigs nasaan si Kyle?" Kanina ko pa napapansing wala pa siya. Ngayon lang yun na-late, alas-onse na. "Hindi ko alam eh. Hindi kami nagkita sa bahay kanina." Kumunot ang noo ko. Magkasama lang sila sa bahay pero hindi pa sila nagkita. Bakit ganun? "Ayesha kaya mo na bang mag-mix ng Apple Gosling's?" Umiling ako. "Hindi pa, masyado kasing mapait yung alak e." "Wala na kasing Gosling's. Pwedeng ikaw nalang kumuha?" Tumango ako at mabilis na tumalima. Dumiretso ako sa stockroom para kumuha ng Gosling's. Nakakahiya kay Jigs at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ibang mixtures ng juice at alcohols. Masyado na kasing matapang yung ibang alak, kailangan kong tikman kapag nagmimix ako. Di pwedeng panay ang tikim kapag nagkakamali kasi baka malasing ako. Katulad ng dati ay dim nanam

