Hinintay ko pa munang makaalis din si Jigs bago ako pumasok sa office ni Kyle. Matagal bago humupa ang kaba sa dibdib ko sa takot na mahuli nilang nakikinig ako sa pinagtatalunan nila. Nagkunwari akong walang alam nang bumalik ako sa bar. Nakita ko pa ang nakangiting mukha ni Kyle nang makita ako. Agad niya akong nilapitan nang pumasok ako sa counter. Sinulyapan ko si Jigs na napapailing nalang sa kabilang gilid. Humalukipkip ito at nag-iwas ng tingin. "Ayesha.." Kinagat ko ang labi ko nang makaharap ko na si Kyle. Hindi ako marunong umarte at ayaw na ayaw kong may itinatago. I know I need to spill what I heard pero hindi pwede ngayon, hindi pwede dahil alam kong mainit pa ang mga ulo nila. "Kyle--" "Can we talk?" "H-ha?" He sighed. "About what happened last night." "W-wala yun Kyl

