Huling gabi ko sa Burning Colds ngayon. Friday night and as usual, maraming tao. Narito ang Golden Strings pero wala si Ken. Ang sabi niya sa akin ay bukas pa ng hapon ang uwi niya. "Hi Ayesha!" Bati sa akin ni Ice. Ngayon nalang sila ulit nag-gig dito pagkatapos nung last Friday. "Hi! Kamusta? Anong order mo?" Tanong ko kahit na alam kong iced tea lang naman ang ibibigay ko sa kaniya kahit pa umorder siya ng iba. "Pwede ako sa hard ngayon, di ako pupunta sa Fiasco." Nakangisi ito. "Talaga? Eh sinong papalit sa DJ doon?" He shrugged. "Nandoon si Fifth ngayon." "Fifth? Yung may-ari ng Fiasco?" Tumango ito. "Yeah, Fifth Montgomery." Napatango rin ako. Nakita kong umaakyat na sa stage ang mga kasama niya kaya itinuro ko ang mga ito. "Sinong kakanta ngayon?" Tanong ko. "Si Axl." Tin

