Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Paggising ko ay nasa kwarto na ako, wala na si Kyle. Huminga ako ng malalim atsaka pumikit, niyakap ko ang unan ko. Ano nang gagawin ko? Galit si Ken. Nagalit siya kasi nakita niyang niyakap at hinalikan ako ni Kyle. Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniyang hinalikan ako ni Kyle nung lasing siya tapos nakita niya pa yung pagyakap nito sakin kanina. Wala naman kasing ibig sabihin iyon, wala namang namamagitan sa amin. Dumilat ako at tumitig sa kisame. Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng hayaan na mag-isip ng mali si Ken, I should talk to him right? Dapat magpaliwanag ako. Pagod lang siya kanina kaya ayaw niyang makipag-usap. Siguro naman pwede ko na siyang kausapin ngayon. Mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo. Alas-tres na ng hapon, I'm sure he's

