CHAPTER 1

2078 Words
Chapter 1: Cashren’s Introduction CASHREN JHED VENDIDO’S POV “CASHREN! May grupo ka na ba?!” I rolled my eyes when I heard her voice. Nakaiirita kung minsan ang boses niya. Masakit sa tainga. Isinilid ko agad sa backpack ko ang mga gamit ko at sinukbit sa balikat ko. Hindi ko pinansin si Giuseppe Salvatore. “Cashren! Sige na, sali ka na sa group namin!” pangungulit naman sa akin ni Consetta. Ang pinsan ni Giuseppe. There’s no doubt na magpinsan nga silang dalawa dahil parehong maingay, makulit at madaldal. Lumabas na ako sa classroom namin at naramdaman ko pa ang paghabol nila sa akin. Masakit din sa tainga ang mga suot nilang stiletto sa halip na black shoes na lamang na wala ng heels. Walang emosyon ko silang binalingan. “Leave me alone,” malamig na sabi ko saka ko sila tinalikuran. Ayoko ng may kasama, ayokong magkaroon ng kaibigan dahil ayoko sa maingay. Kaya mas gusto ko rin talaga sa tahimik na lugar. Ngunit ang magpinsan na ito ay kahit paulit-ulit ko silang ni-re-reject ay patuloy pa rin sila sa paglapit sa akin. Minsan ay hinahayaan ko na lamang sila. Dahil nakapapagod din silang suwayin na hindi naman sila nakikinig sa akin. Kaya nandoon talaga sa attitude nila ang pagiging makulit nila. I was on my 11th grade, and 19 years old. Pinag-aral pa ako ng parents ko sa private school. Madali lang iyon kapag mayaman ang mga magulang mo. Kahit anong school na gusto mo ay puwede mong pasukan. Isang salita mo lang sa parents mo ay tila isang pitik mo lang ay magic ang lalabas. But of course hindi naman lahat tayo ay nakukuha ang mga gusto natin. Sadyang mapalad lang ang mga katulad naming only child at hindi problema ang financial. My Dad, may business company siya while my Mom ay isa rin siyang stylist at may boutique. Mostly talaga ang mga mother natin ay fashion designer. Kaya isa ako sa masuwerteng anak na may ganoon na ina at mabuting ama. “Cashren, nag-top 3 ka na naman, ’di ba?” tanong sa akin ni Consetta. “Ano naman ngayon sa ’yo?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Siya naman palagi ang Top 1 sa klase namin at sumunod si Giuseppe. To be honest ay nakapapagod ang mag-aral pero kailangan daw ito para sa future namin. Hindi ko nga tinotodo ang studies ko. May mga negosyante naman ang walang pinag-aralan pero nagagawa nila nang maayos ang mga trabaho nila. Ang business company nila ang tinutukoy ko. Eh, what do teachers just teach us? Just how to read, write and also to have knowledge in everything but they didn’t teach us how to make money or how to become rich. Ang sabi nga ni Neil Gaiman, “I’ve been making a list of the things they don’t teach you at school. They don’t teach you how to love somebody. They don’t teach you how to be famous. They don’t teach you how to be rich or how to be poor. They don’t teach you how to walk away from someone you don’t love any longer. They don’t teach you how to know what’s going on in someone else’s mind. They don’t teach you what to say to someone who’s dying. They don’t teach you anything worth knowing.” Nasa sa atin kung paano rin natin madadagdagan ang knowledge natin. Because I know if you are just an employee you are chasing time. Without time you have no salary. So after I graduated college I planned I was setting up a restaurant or sadyang ganito lang ang pananaw ko bilang estudyante? Money is more important to us that’s why they should teach us. Because even if you are a police officer, teacher, engineer and etcetera, I know that they are not rich at hindi rin naman sila yayaman pa. Sa dami rin ng bills natin, right? Because I believe you can only be rich if you own a business company because you don’t work yourself, money will work for you. “May tanong ako,” sabi ko at napatingin sa akin ang dalawa. Medyo nagulat pa sila nang bigla rin akong nagsalita. “Ano iyon, Cashren?” tanong sa akin ni Giuseppe. Nasa rooftop kaming tatlo. Sinundan nga ako ng dalawang ito. Kumakain sila ng fries and softdrinks. Sa akin ay burger and bottled water lang. “Kung sa ultimate freedom, ano ang mahalaga para sa inyo? Health freedom, financial freedom or time freedom?” I asked them at seryoso ko pa silang tiningnan. “Hmm, para sa akin hindi ko naman na kailangan pa ng financial freedom dahil secure na ako roon. Kaya health freedom ako. Kasi dapat palagi tayong healthy,” sagot naman ni Consetta. Naiintindihan ko siya kung bakit gusto niya ang health freedom at hindi naman ang financial freedom. Dahil alam kong magala siyang tao. Sunod kong tiningnan si Giuseppe na saglit pang natulala dahil mukhang nag-iisip din siya ng pipiliin niya at isasagot sa akin. “Ako naman ay... uhm. Healthy naman ako kaya hindi ko na kailangan pa ng health freedom. Siguro... pipiliin ko ang financial freedom. Ang dami ko kayang gustong bilhin---” “Mga luho mo you mean?” sabat sa kanya ni Consetta. “Shut up, Set! Ako muna. Hayon nga, Cashren. Marami talaga akong mga bagay na gustong bilhin o ano pa man kaya dapat piliin ko ang financial freedom,” paliwanag niya. “Ikaw ba?” Consetta asked me. Napatingala ako sa langit. “Sa dalawang pinili niyo ay wala naman doon ang pipiliin ko,” I answered. “Eh, ’di sa time freedom ka?” magkasabay na tanong nila sa akin. “Dahil ang sabi sa atin ng mga teacher, time is gold. Noong bata pa lamang ako ay naguluhan ako roon. Kasi paanong naging ginto ang oras?” “Hindi ko rin iyan alam,” umiiling na sabi ni Giuseppe. “Ako rin, curious ako. Paano nga ba naging ginto ang oras?” “Dahil ang oras, sa bawat pitik nito, segundo ang lumilipas, nagiging minuto, oras at nagiging isang araw rin. Ang mga oras na lumilipas ay hindi na puwede pang ibalik, at kung ngayon ay October 16, at magiging bukas na ang araw na ito ay hindi na natin siya puwedeng ibalik pa. Kung maibabalik man ay aasahan mong ibang taon na iyan. Kaya mas pinili ko ang time freedom, dahil ayokong sayangin ang mga oras ko rito sa mundong ito. Ang mga oras natin na nasasayang mo lang ay alam kong marami na dapat tayong nagagawa. Hindi ang umupo lang tayo at hayaan ang oras na lumipas. Sa time freedom ay makukuha mo na ang financial freedom, hindi lang ako sigurado sa health freedom pero baka rin,” mahabang paliwanag ko sa kanilang dalawa at umawang pa ang mga labi nila sa gulat. “Tama ka riyan, Cashren. Mas mahalaga nga para sa atin ang time freedom,” ani Consetta at napatango-tango pa siya. “Katulad na lamang ngayon ay oras na para sa next class natin,” sabi ko at tumayo na ako. Alam kong mahirap intindihin kung minsan ang mga sinasabi ko. Iyon ay base lamang sa mga pananaw ko sa buhay. Aminin man natin o hindi ay mas mahalaga talaga para sa akin ang oras. Ang empleyado nga ay oras ang hinahabol nila para may mga sahod sila at tamang oras din naman ang hinihintay natin, hindi ba? Nang ma-dismissed ang klase namin ay sa halip na diretso ang uwi ko ay tumatambay pa ako sa may park. Ano nga ba ang ginagawa ko sa lugar na ito? Gusto ko lang pagmasdan ang mga tao. Ang mga mukha nila na naglalarawan ng kasiyahan. Makikita mo rin sa pananamit nila ang status nila sa buhay. Mahirap, may kaya sa buhay at mayaman. Sa tingin natin bakit kaya may mga taong mahihirap? Hindi dahil iyon ang nakatakda sa kanila, kasi naniniwala ako na ang mga mayayaman na tao ay nagsimula naman sa hirap. May kasabihan din si Bill Gates, “If you are born poor it’s not your mistake but if you die poor it’s your mistake.” Ang buhay ng isang tao ay puwede pang magbago, hindi nga natin kasalanan ang ipanganak tayong mahirap at sa sinabi na mistake natin kapag namatay tayong mahirap din dahil ang daming oras, panahon na dapat may ginawa ka. Na dapat may magbago man lang sa takbo ng buhay mo. Choice rin natin iyon. That’s why I chose the time freedom. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ko na ang family driver namin para magpasundo. Palaging sa park niya ako sinusundo. Hindi rin naman ako pinapagalitan ng parents ko dahil hinahayaan nila ako sa gusto ko. *** “Good afternoon po, Mom. Ang aga niyo po umuwi,” nakangiting sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi niya. Isang matamis na ngiti agad ang sinasalubong niya sa akin. Ang pagod ko kanina sa kauupo sa may park at sa pakikinig sa mga prof ay naglaho na parang bula. Isa rin talaga sa stress reliever natin ang parents natin. “Darling, mas maaga ka dapat umuuwi kaya nauuna talaga ako,” she said na sinabayan pa nang mahinang tawa. Umupo ako sa tabi niya. “Here, uminom ka muna ng apple juice,” pag-aalok sa akin ni Mommy. Kinuha ko mula sa kamay niya ang basong may laman na juice and apple flavor. “Si Dad po, Mommy?” “Mayamaya pa ang uwi niya,” she replied and I nodded. “Kumusta ang studies mo, anak?” “Nakapapagod po ang mag-aral, Mom,” sabi ko na ikinatawa niya. “Anak, para naman iyon sa future mo.” “Hindi po kaya, Mommy. Dapat po ang ituro ng mga prof sa amin ay kung paano kumita ng pera at kung paano rin ang yumaman para wala ng mga taong nahihirapan ngayon,” ani ko. “Cashren, hindi naman lahat ng tao ay masuwerte. Na hindi ibinigay sa kanila ang marangyang buhay.” “Mom, hindi po ako naniniwala na bago pa man tayo ipanganak ay may kapalaran na ang nakasulat para sa atin,” saad ko pa at sumubo ako ng pancake na kinakain niya. “Ano’ng klaseng pananaw ba iyan, anak?” namamanghang tanong niya. “Tayo po ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Wala po sa palad natin, dito po,” sabi ko at itinuro ko ang sentido ko. “Puwede nga sa kamay natin dahil gagawin natin ang kapalaran na para sa atin. Kayo po ni Daddy ay hindi ako naniniwala na destiny kayo.” Mas lumakas ang tawa ni Mommy sa sunod kong sinabi. “If your father and I are not destiny then how did we meet and how are we now married and you are the fruit of our love?” she asked me. “It’s always our choice po. Na papasukin ang isang tao sa buhay natin. Katulad naman iyan ng pagkakaroon ng kaibigan, may lalapit sa ’yo and sasabihin niya, ‘let’s be friends’ choice rin natin kung papayag ba tayo sa gusto nila. Kaya madalas sinasabi natin na destiny rin natin na makilala sila. Kung tatanggi ka naman kasi sa tingin niyo po ba Mommy ay kaibigan niyo pa rin ba ang taong iyon hanggang ngayon?” tanong ko at napakamot siya sa ulo niya. “You and your matalinghagang words ay minsan ay hindi ko naiintindihan, anak,” sabi niya at umiling pa. “Bukas po ang isip ko sa realidad at talaga pong marami akong naiisip na mga bagay na hindi naiintindihan ng mga taong nasa paligid ko.” “Pipilitin ko pa rin na intindihin ka, anak.” Boses iyon ni Dad kaya napangiti ako. Tumayo ako mula sa upuan ko at nilapitan ko siya. “Good afternoon po, Daddy,” I greeted him at humalik din ako sa pisngi niya. “Kung nahihirapan na ang Mommy mo sa ’yo na intindihin ka ay huwag kang mag-alala. Palagi kitang iintindihin at makikinig ako sa ’yo.” Isa ngang mabuting ama si Daddy. Hindi naman ako Daddy’s girl dahil malapit din naman ako sa Mommy ko. Wala akong favorite, mas pinipili ko silang dalawa. Malaki kasi ang utang na loob ko sa kanila. Kung wala sila ay wala rin ako ngayon sa mundong ito. Mahalaga sila para sa akin at mahal na mahal ko sila. Kaya habang nandito pa ako ay nangangako akong alagaan ko silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD