CHAPTER 2

2223 Words
Chapter 2: First encounter “MAY guest daw tayo from abroad ang darating today. One of the sponsors of our school,” pangdadaldal na naman ni Consetta. Early in the morning ay mag-bi-breakfast ka na sa daldal niya. Nasa classroom na kaming lahat at naghihintay na lamang kami sa prof namin. Dahil oras na ng klase pero wala pang dumarating kahit na isa. Magkaiba ang desk namin nina Consetta at Giuseppe pero malapit talaga sa akin ang dalawang ito. Sinadya naman nilang dalawa iyon, eh. Ang pumuwesto malapit lang sa akin. Para tsikahin ako. Hindi naman sila maingay kapag oras na ng klase, kaya nga pasok sila sa top 10 dahil matalino. Hindi mo iyon mahahalata sa mga ugali nila. Dahil akala mo ay carefree lang pero seryoso when it comes to studies. “Ano naman ang ginagawa nila rito?” tanong ni Giuseppe at halata sa boses ang curiosity. “May gaganapin na event ang school natin kaya invited sila ng president ng school natin,” sabi naman ng isa pa naming classmate. “Kailan naman iyon?” tanong ni Giuseppe. Super ingay niya talaga kahit na kailan. “Next month. Ang event na iyon ay ang araw mismo nang pagkuha nila ng sponsors kaya lumalabas na para sa kanila ang event na iyon.” “Invited kaya tayong lahat na students?” Si Consetta, may tsismis na nga pero kulang pa siya sa information. Tss. “Hmm, sure iyan na invited tayo dahil kailangan nila ng presence ng student.” “Guys! Wala raw tayong klase sa morning session today! Pero babalik naman tayo sa afternoon!” Pagkasabi pa lamang no’n ay tumayo na ako agad. Siguro ay matutulog na lamang ako sa rooftop o uuwi muna sa bahay. Or tatambay sa park? “And Cashren, ipinapatawag ka ni Prof Eldeyor.” Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Ano naman ang dahilan at ipinapatawag pa ako ng professor namin? Hindi na lamang ako nagsalita pa at lumabas na ako sa classroom namin. “Samahan ka na namin, Cashren!” “No! Ako lang naman ang ipinapatawag, eh!” sabi ko. Hindi sila na-offend sa akin dahil bumungisngis lang sila. So weird. Sinigawan na lahat-lahat, eh. “One point na ako, Giu. Nakita ko na ang galit na emotions ni Cashren!” I rolled my eyes. “Basta i-chika mo iyan sa amin, Cashren!” Tinakpan ko na lamang ang tainga ko at tuluyang lumabas. Habang naglalakad ako patungo sa faculty room ay may na nakasalubong pa ako na isang estudyante at kahit iniwasan ko na nga siya para hindi ako mabunggo ay nabangga pa rin ako. May nahulog na bagay siya. Walang pakialam kahit may tao na siyang mababangga. “Binigyan ka ng mga mata ay para may makita ka. Mas mabuti pa yata ang mga taong pinagkaitan na makakita sa mundo ay sila pa pala ang mas maingat kaysa sa atin,” malamig na sabi ko. Hindi ko siya kilala siguro senior namin siya. Sa hitsura pa lamang niya ay alam kong hindi ito seryoso sa pag-aaral. Hindi maayos ang necktie niya at maski ang coat niya. “What did you say?” pagalit na tanong niya sa akin. “Hindi ba ay may mga maliit na kahoy or tungkod ang mga taong bulag upang hindi sila mabunggo sa mga tao o sa mga bagay? Pero tayong mga nakakakita ay tayo pa ang hindi maingat sa nilalakaran natin. Hindi ka ba nagtataka na kung bakit may mga taong naaaksidente? Dahil hindi sila marunong tumingin sa mga dinaraanan nila,” matigas na saad ko at humakbang naman siya palapit sa akin. Bago siya makalapit sa akin ay tiningnan ko pa ang gamit niyang nahulog kanina lang. Tumaas ang sulok ng mga labi ko at mabilis kong pinulot iyon. “You...” “Papunta ako ngayon sa faculty room. What if i-report ko sa kanila ang mga ito? Na galing mismo kay...” Binasa ko ang pangalang nasa damit niya. “Mr. Lacson. Familiar sa akin ang last name mo,” I said and smirked at him. “Haist. May araw ka rin sa akin, bata,” sabi niya at nalukot ang mukha ko. Tinawag niya akong bata? Samantalang siya itong isip bata sa aming dalawa, eh. Napatingin ako sa dalawang bagay na hawak ko. Cigarettes and lighter. Bad influence halaga ang isang iyon. Sana lang ay wala siyang kaibigan para wala ng taong madadamay sa kalokohan niya. Pss. Mga ganoon klaseng tao ang dapat mong iwasan. Napatitig naman ako sa lighter. Kung paano ba ito gamitin pero nang susubukan ko na sana ay napatalon pa ako sa gulat. “That is a very bad act. Based on your uniform you’re just in senior high and you’re still in 11th grade but look at you. Are you using that? Did you know that your liver will burn if you use that?” Malamig ang kanyang boses, malamig pa yata sa yelo kaya dahilan nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nilingon ko ang lalaking iyon para lamang bumilis ang t***k ng puso ko. His face... He had a square face that fit his undercut hair with a mix blonde and black color. His beautiful hazel green eyes are so cold and blank. His long pointy nose, and his naturally reddish lips that are partly a bit. He’s such a beautiful man but he doesn’t have any facial expression, an emotionless guy. Kahit ang aura niya ay napaka-dark. Okay, guwapo nga siya. Pero masyadong pakialamero. “Who told you I use this?” I asked him. He’s wearing his maroon coat and white longsleeve na nakabukas ang dalawang butones nito, a maroon slacks and white sneakers. Instead he wore his leather shoes ay naka-sneakers pa talaga siya. Base on his looks ay hindi siya siya isang Filipino. Maybe a foreigner. “Are the things you hold not proof yet?” he asked me. Gusto ko tuloy siyang ngisihan pero ayoko dahil nakakikilabot ang presence niya. “Do you base only on what you see to prove something that someone did? Not just because of your own observation? Because not everything we see is true. Let’s not judge quickly because we don’t know anything yet,” I said in a cold voice. Hindi ko nga rin masabi sa sarili ko na isa siyang masamang tao kasi ang amo ng mukha niya kahit walang facial expression. “Kid, not all people too has a time for observation and knowing a person better,” he said as he stepped towards me. “Why should we waste things that aren’t really important? Admit it or not, we’re also bored in someone’s life, right? Especially if he or she is a dramatic person.” Okay, fine. May point siya sa sinabi niya. Minsan nga ay hindi natin maiwasan ang ma-bored sa buhay ng isang tao. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay huhusgahan natin agad sila, ng ganoon lamang kadali. “Don’t you think what you’re doing now is just wasting your time?” I fired back. “I got time, so you’re lucky, and besides, it’s my first time to see a student smoking and a girl. Don’t you think that’s interesting?” Saan naman doon ang interesting? Kung ano-ano na talaga ang mga sinasabi niya, eh. “Who are you and why are you interfering in other people’s lives?” To be honest ay kanina pa kumukulo ang dugo ko sa kanya. “Me? I just don’t mind my business today, uhm... I mean to say---whatever. I also want to know what the students are doing here and is it worth it being my father’s sponsor. Because of all the schools why did he even choose this? A private school instead of public because they need it more, right?” “Bakit sa akin mo iyan itinatanong? Bakit hindi sa father mo?” masungit na tanong ko sa kanya at ang ginagawa nga naming pag-argument na ito ay pag-aaksaya lamang ng oras. Kaya tinalikuran ko na siya. Kami dapat ni Prof Eldeyor ang mag-uusap, hindi ang lalaking iyon. “Hey, kid. Are you cussing me?!” sigaw niya at umirap lamang ako. Binilisan ko ang paglalakad ko pero nararamdaman ko ang presence niyang sumusunod sa akin. I know hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Dahil halata naman sa kanya na hindi siya marunong magsalita ng lenguwahe natin. Nakarating din ako sa faculty room at nandoon nga si Prof Eldeyor. “Cashren.” Napangiti pa siya nang makita ako. “Pinapatawag niyo raw po ako, Prof?” “Yes, I only have a favor, Cashren and I know you’re the only one I can ask for a favor for this,” she said. Ano naman kaya iyon? “What is that, Prof?” I asked her. “Because our sponsor’s son is here and he will be here for a while. Because he will attend our event next month. Uhm, I would like you to tour our school and join him, hmm?” Ano? Sa lahat ng estudyante rito ay ako pa ang pinili niya? Bakit? “I believe that our seniors can do that. I am not, Prof,” tanggi ko. Ang daming students na ahead pa sa akin ng one year kaya bakit ako pa na nasa 11th grade pa lamang? “No, Cashren. Ang taong ito ay hindi lang siya isang anak ng sponsor natin... Ayoko lang na... It’s only going to be a mess if I leave this to someone else. He might not like your seniors attitude,” she reasoned out. How about my attitude? Hindi ako approachable na tao at hindi ko rin alam kung paanong mag-intertain sa kanila. “Paano naman po ako, Prof? Kilala niyo po ang ugali ko,” wika ko. “I know that, Cashren. Malamig ka man pero kalmado naman. Hindi mo kami mabibigo rito.” May tiwala talaga siya sa akin? “Prof. Eldeyor.” Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang taong nagsalita sa likod ko. Sa boses pa lamang no’n ay alam ko na kung sino ang nagsalita. “Sir Lindbergh.” Lindbergh? “Is she the guy you’re referring to, Prof?” tanong ko sa professor namin at tiningnan ko pa ang lalaki na nasa akin na rin ang tingin niya. “Do you know him, Cashren?” gulat niyang tanong. “Prof, he is doubting our school and if his father’s sponsor is worth it. We will only fight if you include me with that guy. So, choose someone else not me, I suggest,” matigas na saad ko at sana naman ay pakinggan niya ako. “I like her, Prof. Eldeyor. Is she the student you chose to take with me?” Bakit iba na yata ang pagkakaintindi ko sa sinabi niyang ‘to take with me?’ tss. Dapat klaruhin niya rin ang sinabi niya. Bakit ganoon ang terms niya? Pss. “I did not agree,” I told him at sinamaan ko pa siya nang tingin. “Cashren. This is for our school.” “I don’t know how to communicate, and you might just fail, Prof,” I reasoned out. “Please... Ikaw lang talaga ang makatutulong sa amin.” Halos magpadyak ako nang wala akong nagawa kundi ang mag-agree na lamang. Bakit nga ba ako pa ang pinili niya? Puwede naman kung lalaki, ’di ba? Para wala ng problema pa. “Hey, kid---” “Don’t call me that, I’m not a kid,” malamig na sabi ko pero kalmado na ang boses ko. “Okay, little kitten...” “Mukha ba akong pusa sa paningin mo, ha?!” Hindi ko na napigilan pang magtanong sa kanya nang may kalakasan na ang boses at sinadya ko talaga na hindi magsalita ng English para asarin lang siya. “Kitten, I don’t know how to speak in your language. Just English.” “Whatever,” I said. “Cashren! Nandito ka rin pala!” “Wait, sino ang kasama mo?” Tumayo na ako nang dumating ang magpinsan. “I-entertain niyo ang lalaking iyan,” sabi ko at itinuro ko sa kanila ang lalaking hindi ko pa nga kilala. “What... Ang pogi naman niyan, Cashren...” “Boyfriend mo ba iyan?” “Hindi ako nakikipagrelasyon sa foreigner,” saad ko. Honestly speaking, wala akong pakialam sa lalaking iyon kahit anak pa siya ng sponsor ng school namin. Wala naman akong obligasyon dahil nasa president namin iyon.. Estudyante lamang ako at wala akong kinalaman sa kanila. Sa pagmamadali ko naman ay may nabangga ako. “Oh, sino sa atin ang hindi nag-iingat sa dinaraanan ngayon, bata?” “What’s your problem, dude?” I asked him. “Nasaan na ang kinuha mo sa akin kanina?” tanong niya sa akin at bigla niyang hinawakan ang baywang ko dahil may pocket ang blouse namin. Napaatras pa ako sa gulat. “You...” “Are Filipinos like this? No respect for women?” “And who the hèll are you?” “Xenus Maicodel Levanna-Lindbergh is the name.” What? Xenus? Xenus Maicodel? Wait... Hindi ba siya ang prinsipe ng Denmark na nababasa ko sa article? Or baka nagkamali lamang ako? Dahil imposible naman yata iyon! “Xenus Maicodel Levanna-Lindbergh? That’s your full name? Are you from Denmark?” I asked him. Wala naman kasi siyang picture, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD