Chapter 14: Her portrait
STRAIGHT one week na hindi nga pumasok si Xenus sa company nila. Nanatili nga siya sa tabi ko ayon sa ipinangako niya na aalagaan at babantayan na lamang niya ako.
But from time to time ay tumutunog ang ringtone ng cellphone niya at sa tuwing nag-iingay iyon ay napapatingin ako sa side niya. Nang mapapansin niya rin na tumatalim ang tingin ko sa kanya ay bumubuntong-hininga siya.
Kapag wala siyang maririnig na kahit na ano mula sa akin ay siya mismo ang magtatanong if ayos lang daw ba sagutin niya ang tawag. Dahil maingay nga iyon at makulit ang caller niya ay hinahayaan ko na lamang siya.
Not until na nalaman ko importante pala ang mga sasabihin sa kanya ng mga tumatawag. I’m so selfish at that point. So, I told him na puwede siyang mag-work thru his laptop na mabilis naman siyang sumunod at iyon ang kanyang ginawa. So, it was true nga na importante iyon.
Nasa malaking study table lang naman siya at hindi siya pumunta sa library niya dahil nandoon ang kanyang office. Nanatili pa rin siya sa loob ng aming silid, na kung paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ako at tinatanong kung hindi ba masakit ang tiyan ko or if okay lang din ba ako.
Pero nang sinabi ko na masakit ang tiyan ko dahil nararamdaman kong sumisipa ang baby namin ay mabilis niyang iniwan ang kanyang ginagawa. Tinabihan niya ako sa kama pero nakatukod lang ang isang siko niya at mararahan na haplos ang ginawa niya sa umbok kong tiyan.
“Jhed?”
“Hmm?” tugon ko habang hindi ko siya tinatapunan nang tingin. Nasa ibabaw ng tiyan ko ang kanyang kaliwang kamay at hawak ko naman iyon.
“What if you have committed a sin... would you still forgive me?” he suddenly asked me. I looked up at his face. I’m confused.
“You told me I did the sin. But why ask if I can still forgive you, Xenus?” nalilitong tanong ko sa kanya. Hindi ba dapat ako ang magtatanong no’n sa kanya?
Just what if nagkaroon nga ako ng kasalanan sa kanya ay makakaya pa ba niya akong patawarin? Hindi ba dapat para talaga iyon sa akin? Hindi siya ang magtatanong no’n. Ako dapat iyon, eh.
“Cause I could be the reason you did something wrong to that person. As if I was your instrument to make bad things happen,” walang emosyon na sabi niya at hinarap ko siya para tingnan ulit ang mukha niya.
“I actually don’t know. I don’t get it, Xenus,” I said and shook my head.
“Will you still choose to be with me despite of the pain I will cause you?” he asked again.
“I just got more confused with you. Please, don’t stress me out,” supladang sabi ko dahil mas lalo lang akong nahirapan na intindihin siya. He let out a deep breath before he buried his face on my neck. Humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin sa paraan na hindi naman niya ako maiipit.
Napansin ko ang pagiging... negative niya. Iyon ang isa sa mga ugali niya ang nagbago. Parang may bumabagabag sa isip niya. Na natatakot siya sa mangyayari kinabukasan. Kahit wala naman na siyang puwedeng katakutan pa.
“Jhed...”
“What?” I asked him.
“Forgive me.”
“Naweweirduhan na talaga ako sa ’yo, Xenus. Kanina ka pa. Bumalik ka na lang sa ginagawa mo. Hindi na masakit ang tiyan ko,” ani ko. Hindi naman siya gumalaw pa, bagkus ay inayos pa niya ang kumot sa aming katawan.
Tumalikod ako mula sa kanya kaya mas naging komportable ang pagyakap niya. Nanatili lang ang isang kamay niya sa bandang tiyan ko. Nakaunan kasi ako sa kanang braso niya na umabot naman iyon sa balikat ko. Sa mga bisig niya ay nakatulog ako.
I woke up one morning wala na siya sa tabi ko. I assumed na pumasok na siya sa company niya. Hindi na ako nagreklamo pa kasi mas importante naman talaga ang kanyang trabaho. Ako lang ang nagiging maarte, mas gusto ko ang palagi siyang kasama. That maybe buntis nga ako.
Maingat na bumangon pa ako at napapangiwi talaga ako dahil ang bigat masyado ng mga baby ko sa tummy ko. Suot ko ang puting bestida ko. Dahil sa pregnancy ko ay medyo nagkalaman nga ako. Kahit ang mga hita at braso ko ay lumaki.
Dahil na rin siguro kambal ang anak namin ni Xenus at saka ginusto ko naman talaga ito.
Hawak-hawak ko ang balakang ko nang pumasok ako sa banyo. May carpet sa bandang patutunguhan sa sink. Dahil sa takot ni Xenus na baka raw madulas ako kapag nasa banyo ako at wala akong kasamang kasambahay. Therefore pinasadya niya na lagyan ito ng carpet. Sa laki no’n ay hindi rin naman umabot sa may shower and bathtub.
When I finished na mag-toothbrush at nanghilamos ay hinablot ko ang malambot na puting towel saka ko pinunasan ang nabasa kong pisngi. Lumabas din ako after that and ’saktong bumukas ang pintuan ng kuwarto namin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako na kalalabas lang from the bathroom.
“God, Jhed. This is one of the reason I don’t want to leave you.” He immediately approached me at tumingin pa siya sa loob ng banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na tila wala namang kakaiba roon.
“But hindi ka naman nakabantay sa akin ng ilang months, ah. May pa-worry-worry ka pang nalalaman,” kunot-noong sambit ko.
“Sorry po,” mababa ang tonong saad niya sabay halik sa balikat ko.
“Saan ka pala nagpunta?”
Iginiya na niya ako palabas dahil alam ko na kakain na rin kami ng breakfast pero hindi kami nagtungo roon. Sa paint room niya mismo kaya nagtatakang tiningnan ko siya.
“Dapat ipapakita ko ito pagkatapos mong manganak pero gusto ko bago ro’n ay nakita mo iyon, Jhed,” sabi niya.
Bigla ay nagkaroon ako ng interest na malaman kung ano ang ipapakita niya sa akin. Na-excite rin ako. I knew Xenus, mahilig siya sa surprise.
“Hmm...” I just nodded.
Huminto kami sa isang painting na natatakpan nito ang white cloth. “Are you ready, little kitten?”
Napasimangot ako sa itinawag niya sa akin. “Xenus, hindi ako little kitten. Tss,” sabi ko na humahalakhak lang siya.
“Brace yourself, Jhed.”
“Ewan ko talaga sa ’yo, Xenus,” ani ko at tinanggal na niya iyon. Nakangiti pa ako nang tiningnan ko iyon pero mabilis na napawi rin ang ngiti sa aking mga labi.
Nanlambot ang mga tuhod ko at nanikip ang dibdib ko. Napahawak ako sa braso ng asawa ko para sana kumuha ng balanse sa kanya. Pumulupot agad ang braso niya sa baywang ko.
“Surprise, my love...” Nag-init ang sulok ng mga mata ko at ilang segundo lang ang nakalipas ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko. Until umiiyak na ako sa dibdib niya habang hindi naputol ang tingin ko sa painting.
Kung saan nakikita ko ang isang magandang portrait ng batang babae. Kuhang-kuha ni Xenus ang mukha ng bata na nakikita ko sa isip ko at hindi iyon nawala. A one-year old baby girl. Nakangiti siya kaya mas nanlalambot ang puso ko.
Masaya ako dahil hindi ko na lang siya nakikita pa sa isip ko, na hindi na lang siya basta-bastang guni-guni ko na lamang. Dahil kahit sa painting ay nabigyan na rin siya ng actual portrait.
“She’s very beautiful, Xenus. Thank you... Thank you, so much,” humihikbing sambit ko at hinalikan ko pa ang pisngi niya, na sumubsob din ang mukha ko sa leeg niya.
He caressed my hair as he planted a kiss on my forehead and rubbed my back to comfort me.
“I thought, hindi ko makukuha ang totong mukha ng batang babae na palagi mong ikinukuwento sa akin. But with your reaction mukhang hindi naman ako nabigo, my love.” Sunod-sunod ang pagtango ko.
“You’re so talented, Xenus. Thank you.”
“Once is enough, Jhed. At least kahit iyan lang ay kaya kong pawiin ang pagbigat ng dibdib mo everytime you remember the little girl.”
“You’re so thoughtful,” I uttered.
“Jhed, whatever you may know that my actions are not good. If you can forgive me then do it but if you think I have done too much wrong to you don’t ever forgive me,” he uttered. Napakaseryoso ng kanyang boses. Na wala ring nababahiran na kahit na anong emosyon.
I don’t think so if mayroon pa ba siyang nagawa sa akin na mabigat na kasalanan. Maliban na lang sa inuuna niya ang work niya.
“Let’s see what grave sin you have done to me. I will analyze our situation and if you deserve my forgiveness, Xenus. You’ll be forgiven. However, I still haven’t noticed that you did something bad to me. Except that you prioritize working and you’re in a foreign country for a month straight,” I told him at nakita ko ang bayolenteng paglunok niya. “Anyway, bumawi ka naman sa akin,” dugtong ko sa sinabi ko at naramdaman ko na naman ang paghalik niya sa ulo ko.
“Hihintayin ko na lang ang oras na iyon,” sabi niya lamang at bahagya akong humiwalay sa kanya para tingnan ko ang painting.
“Ganyan na ganyan ang mukha niya, Xenus. Napakaganda niyang bata. Siguro proud na proud sa kanya ang Mommy and Daddy niya, ’no? If ever nag-e-exist siya sa mundo ay gusto ko siyang makita... I want to hug her, kiss her and be with her for uhm... Parang gusto ko na magtatagal siyang mag-stay sa tabi ko,” ani ko at may tumakas na namang mga luha sa aking pisngi.
“I’m very sorry, Jhed.”
By that, sa painting na iyon ay naging sapat na sa akin. Pero mas nararamdaman ko lang na parang sobra ko siyang na-miss. Kahit buong araw ko pa siyang titigan ay okay na okay na sa akin.
“I love you, Renna Cerae,” I whispered. Humigpit ang yakap ni Xenus sa akin. “You’re such a cute baby girl...”