Chapter 15: The twins
“I’M jealous, little kitten.” I glanced at my husband when he uttered those words. I pouted at nang makita niya nga iyon ay inirapan niya ako.
“What?” masungit na tanong ko sa kanya. Sinusungitan niya ako kaya panay ang irap niya sa akin.
“Mas marami ka pang time na titigan iyan kaysa sa akin. Ni hindi mo na rin ako pinapansin pa,” nagtatampo na sabi niya at napahalakhak ako. Ang straight na talaga niyang magsalita ng Tagalog. Fast learner.
Maingat kong inilapag ang portrait ng batang babae at tumayo ako para makaupo nang patagilid sa lap niya. Mabilis na pumulupot naman ang isang braso niya at hinawakan ang malaking umbok kong tiyan.
“I’m so grateful for this, Xenus. I love this little girl,” I uttered.
“I’m sorry.” This one too. Palagi rin siyang nagso-sorry sa akin ng walang dahilan. Hindi naman niya sinasabi kung bakit siya palaging nagso-sorry. But I used to it na.
“Don’t be jealous, Xenus. Wala akong idea kung gaano ako kasaya ngayon nang bigyan mo ako ng portrayed ni Renna Cerae,” ani ko at hinigpitan ko ang yakap ko sa leeg niya.
“Okay. But I can’t help. Bigyan mo rin ako ng time. Titigan mo ako kahit buong magdamag pa,” aniya.
“Xenus...”
“Hmm?” tugon niya na higit ko siya agad nasagot. “What is it, my love?”
“May pangalan na akong naisip for our baby,” sagot ko at humilig ako sa balikat niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa sentido ko, tatlong beses pa.
“Tell me. What is it then?” he asked me.
“If naging babae ang baby natin. Ang pangalan niya ay Qence Maicoreen,” I said.
“Qence Maicoreen Lindbergh... It’s a beautiful name, Jhed. What if naging lalaki naman?” Hinaplos ko ang panga niya. Marahan na hinahaplos niya rin ang tiyan ko.
“Ikaw naman ang mag-isip,” I said.
“Okay... Hmm... What about Rence Maicozel?” Yay, ang bilis niyang mag-suggest ng name.
“Nice name. I love it,” I told him at hinalikan ko siya sa mga labi niya na mabilis naman siyang tumugon.
Pero nang biglang humiklab ang tiyan ko ay napahinto ako sa paghalik ko sa kanya. Humigpit ang paghawak ko sa balikat niya. Ngumiwi ako sa sakit ng tummy ko na parang sumisipa ang kambal ko.
“Are you okay, Jhed?” nag-aalalang tanong niya sa akin at napahawak ako sa braso niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nanakit na ng husto ang tiyan ko. “Jhed...”
Napatingin ako sa calendar na nasa bedside table namin at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. May dalawang araw pa naman bago ang due date ko pero pakiramdam ko ay ngayon na ako manganganak.
“X-Xenus... Fvck! Ang sakit ng tiyan ko!” Naningkit ang mga mata niya sa narinig na pagsigaw ko.
“My love, don’t cursing,” marahan na suway niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Dinala niya ito sa bibig niya at pinatakan ng halik ang likod ng aking kamay. Halos maiyak na nga ako sa sakit.
“X-Xenus...”
“Take a breath, Jhed. Calm down, okay?” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Parang wala lang sa kanya kung manganganak na ba ako.
“Xenus... God...wala ka bang gagawin ngayon? Manganganak na yata ako. Ang sakit na ng tiyan ko!” sigaw ko sa kanya at nagawa ko pang kagatin ang balikat niya. Mahinang natawa lamang siya kaya malakas kong hinampas ang dibdib niya. “Xenus!” naiiyak na sigaw ko sa pangalan niya.
“Don’t panic, little kitten,” mahinahon na saad niya saka niya ako pinangko.
Gulat na gulat ang reaction ko dahil talagang wala lang sa kanya kung manganganak na talaga ako. Kalmado pa rin siya. Hindi ba siya natatakot sa mangyayari sa akin?
“Xenus...” I rested my head on his chest.
“Relax, Jhed. I’m here. Please, ready my wife’s trolley. We’re going to the hospital,” he told our housemaid. Nasa trolley na nga ang mga gamit ko kasama na rin ang para sa aming anak. Maaga pa lang ay hinanda na namin iyon.
Wala pa ring naging reaction si Xenus at ang ginawa niya lamang ay pakalmahin ako. Ilang beses niyang hinalikan ang noo at pisngi ko. Akala ko ay hindi normal iyon para sa kanya pero ganoon nga talaga siya.
Hindi niya ipinakita sa akin ang emosyon na kinakabahan siya, natatakot or something. Kahit noong nasa hospital na kami at hinahanda na ang delivery room. Nakahiga na nga ako sa stretcher tapos seryoso niya lamang akong titigan.
“Can I get inside with my wife, doc?” paghingi pa niya ng permission sa doctor. “I want to accompany my wife,” sabi niya at pinisil nang marahan ang kamay ko.
“Yes, of course,” sagot nito sa kanya. He kissed my forehead.
“H-Hindi ka ba natatakot sa mangyayari sa akin? What if I di—” I didn’t finish my words when he kiss me on the lips—to cut me off.
“Don’t say that, Jhed. Never again,” mariin na saad niya at may pagbabanta.
“O-Okay... I’m just curious...”
“You don’t have any idea kung ano ang ginawa ko just for you, my love,” mahinang sambit niya at mariin ko na lamang naitikom ang bibig ko.
Pero dahil sa naisip ko na kaya hindi siya masyadong kinakabahan o nagpa-panic ay dahil lang matagal na siyang naghahanda para sa araw na ito.
Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya sa dibdib ko.
“Xenus...” Namimilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya.
“I love you. This is the main reason why...I am not panicking at this moment. So, don’t ask me. Because to be honest, I’m afraid to lose you. Be strong. I won’t leave you here, Jhed.” Masuyong hinalikan pa niya ang noo ko at hinaplos ang pisngi ko.
Ang love niya lang para sa akin ang dahilan kung bakit hindi siya kinakabahan at nagpa-panic sa nangyayari ngayon? Sobrang matimbang ba ang pagmamahal niya sa akin kung ganoon? Ako—ni hindi ko rin mahanap sa puso ko kung... Hindi ko alam kung bakit.
“Thank you, Xenus,” I said.
Akala ko nga ay magiging matatag din siya habang nasa loob na kami ng delivery room. Nakita niya ang paghihirap ko, mailabas ko lang ang anak niya at seryoso lang din siya. Ngunit wala rin naman siyang tigil sa pagko-comfort sa akin not until he asked the doctor with furrowed brow.
“Doc, my wife’s tummy is still big. We have our baby boy already. So why?” he complained.
“Sir, you’re having a twin,” the doctor replied.
Lumambot naman bigla ang kamay niya hanggang sa binitawan na niya ako.
“Xenus,” tawag ko sa kanya pero nakita ko na lamang ang maputlang mukha niya. Mariin na nakatikom ang kanyang bibig. “Hey, Xenus...” Ako na ang nag-aalala sa kanya at parang wala na rin siya sa sarili. Tulala na agad siya. Hanggang sa napansin na niya ulit ang paghigpit ng kamay ko sa kanya.
Naisubsob niya ang mukha niya sa leeg ko kahit may namumuong pawis na ako roon at naramdaman ko na lamang ang bayolenteng paghinga niya.
Sa mga sumunod na pangyayari ay wala na akong namalayan pa. Kinakabahan pa ako noong una dahil nawalan ako agad ng malay na hindi ko alam kung safe na ba ang pangalawang anak namin ng asawa ko.
But nagising na lamang ako na si Zemuis na ang kasama ko. Pinasadahan ko pa nang tingin ang buong paligid at sobrang laki nito. May mga sofa rin sa kabilang side ng kuwarto. Expected na isa itong private room. Dahil may TV pa.
“Oh, Jhed. Finally you’re awake!” masayang bulalas pa ni Zemuis. “You want to drink something cold? Probably a water?” tanong niya na tinanguan ko lamang. Kailangan ko ngang uminom ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
Mabilis naman siyang kumilos para bigyan ako ng maiinom. Nagsalin siya ng tubig sa baso at lumapit din siya agad sa akin.
“Thank you, Prince. Where’s your brother?” I asked him. Nasaan na ba si Xenus?
“Hmm... Maybe, he’s in nursery room again. To see your kids. He still can’t believe na...hmm, may kambal na kayo. That’s it.”
“Ha? Nasa nursery room siya?” tanong ko sa kanya bago pa man siya makasagot ay bumukas na ang pintuan. Pareho pa kaming napalingon doon ni Zemuis.
“Please, be careful...” mahinahong saad ni Xenus.
Napangiti ako nang may kasama siyang dalawang doctor na buhat-buhat na ang mga baby namin—but what? Doctor? Doctor ang nagbubuhat sa kambal namin sa halip na ang mga nurse?
“The ef, brother?” Zemuis uttered. Xenus glanced at my side and his eyes widened in shocked when he saw me.
“Oh, Jhed. Gising ka na pala.” Mabilis siyang naglakad palapit sa amin at hinila pa niya ang braso ng nakababatang kapatid niya bago siya umupo sa gilid ng hospital bed ko na super ang lambot nito. Hindi mo rin aakalaing na nasa hospital ka lang, dahil mukhang nasa hotel ka.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya upang halikan ito bago niya hinalikan ang noo ko. Lumalambot ang puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin.