Chapter 16: Grandfather
ILANG beses pa niyang hinalikan ang noo ko na pati ang dalawang mata ko at ang tungki ng aking ilong.
Kung hindi lang pekeng tumikhim si Zemuis ay hindi siya titigil sa ginagawa niya. Parang ayaw rin talagang magpapigil ang isang ito. Ako na ang nahihiya sa mga doctor na natahimik lang nanonood sa amin.
“That’s enough,” suway ko sa kanya. Sumimangot siya at mabilis na hinalikan ang labi ko. Hinaplos pa niya ang pisngi ko saka ang kamay ko na naman ang hinalikan niya.
“Xenus,” I warned him.
“Please, doctors. Just return their children to the nursery room. Look at the father of newborn babies. Lack of affection from his wife. Oh my goodness, I can’t stand it,” Prince Zemuis uttered. Mahinang hinampas ko ang dibdib ni Xenus para tumigil na talaga siya. He chuckled softly at ngumiwi na ako sa kanya nang mariin niyang hinalikan ang pisngi ko. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Bakit ang kulit naman niya masyado?
“I love you, Jhed,” he said. Hindi ako nakakibo sa sinabi niya at naninimbang na tiningnan pa niya ako. Na tila may hinihintay rin siya na sasabihin ko o isasagot. Nang nawalan nga ako ng imik ay sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Hanggang sa hinaplos ko ang panga niya at matamis akong ngumiti sa kanya.
“I want to see our babies, Xenus,” I said at doon lang lumambot ang ekspresyon niya but he took a deep breath.
“Okay, my love. You didn’t tell me that we’re having twins. Jhed... You surprised me,” naiiling na sabi niya.
“But yung don’t have any reaction ng manganganak na ako,” ani ko.
“Muntik na akong himatayin—”
“Yes, brother but nakatulala ka lang all the time,” sabat ni Zemuis. Umigting ang panga niya.
“Bakit ba pinilit mong matutong magsalita ng Tagalog?” malamig na tanong niya. Hinila ko ang braso niya dahil binundol pa niya ang balikat ng kanyang kapatid. Talagang patula niya ito.
“Xenus, ang mga anak natin,” sabi ko at binalingan na naman niya ulit ako.
“Because I like Jhed,” sagot sa kanya ni Zemuis.
“Shut up!” Dahil sa biglaan niyang pagsigaw ay narinig namin ang pag-iyak ng isa naming baby and finally ay nawala na rin ang focus niya sa kapatid niya. “Oh, my son is crying.”
Inalalayan na muna ako ng asawa ko na umupo sa kama at pinasandal niya ako sa headboard.
Pinanood ko ang paglapit niya sa dalawang doctor at excited pa siyang ilipat sa mga bisig niya ang anak niya.
Nakangiting lumapit siya sa akin at maingat niya ring ibinigay sa akin ang aming anak. Pink lampin, so si Qence Maicoreen.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makita ko na siya at nasa bisig ko na. Parang binabalot ng sobrang saya ang puso ko but I can feel it na hinawakan na ito ang unang beses na nagkaroon ako ng anak. Ang tangos ng ilong niya at mamula-mula ang pisngi at mga labi niya. Pero nangingibabaw pa rin ang mestiza niyang kutis.
“Ang ganda ng kilay niya,” namamanghang sambit ko dahil makapal siya at talagang maganda na tila ginuhit lang. Marahan kong pinatakan ng halik ang noo niya. “You’re so beautiful, My Qence.”
“Here, Jhed. Look at our son.” Nang tingnan ko rin ang anak naming lalaki ay parehong-pareho ang mukha ni Rence kay Qence.
“Hala, ang pogi naman,” ani ko at inilapit niya ito sa akin. Hinalikan ko pa ang pisngi nito. Marahan lang itong gumalaw.
“Mana sa Daddy niya, eh,” he said. I just shook my head. Wala na akong masasabi pa dahil nagbubuhat na siya ng sarili niyang bangko.
Iniwan na rin naman kami ng mga doctor at dahil nag-request nga ako kay Xenus na gusto kong kumain dahil parang hindi ako kumain ng tatlong araw.
Uutusan niya sana ang kapatid niya nang sinuway ko siya. Kaya sa huli ay ang assistant niya lang ang inutusan niya at naiwan sa loob si Zemuis. Alam ko naman kasi na gusto niya lamang paalisin ito.
Nang dumating na nga ang pinabili niyang pagkain at mukhang limang tao pa ang kakain ay balak niya sana akong subuan ngunit inilingan ko siya. Mas gusto kong kumain ng mag-isa, na ako lamang para mas mabilis. Kaya habang kumakain ako ay pinapanood ko ang dalawang prinsipe na masayang kinakausap ang dalawang baby kahit hindi naman sila sinasagot ng mga ito.
Marami akong nakain kaya nang makita iyon ng dalawa ay halos malaglag ang panga nila pareho. Naiiling na rin in the end ang asawa ko.
“I can’t blame her, Zemuis. Dalawa ang dinadala niya in 9 months.”
“Dinadala niya? You mean is...she’s carrying your kids,” pagbibigay linaw naman ng isa.
“I’m so full. Ang sakit na ng tiyan ko,” nakangiwing saad ko at napahawak ako sa tiyan ko. Naramdaman ko na bahagya nga itong lumaki.
“Come, sasamahan kita sa banyo,” aniya at sumang-ayon na ako sa gusto niya.
After that ay medyo nabawasan na nga ang laki ng tiyan ko nga lang ay hinanap ko ulit ang pagkain na mabilis nila yatang iniligpit kung kaya’t nagpabili ulit si Xenus ng food. He didn’t complain naman.
“Huwag mo kasing itapon, Xenus. Sa akin na iyon, mauubos ko naman. Puwede mo namang ilagay sa ref, oh,” mariin na saad ko at itinuro ko pa sa kanya ang refrigerator.
“Oh, sorry.” Napakamot pa siya sa batok niya.
“And please, huwag kang magtapon ng mga pagkain,” dagdag pang saad ko. “Ikaw rin, Prince.” Baling ko naman kay Zemuis na lumalalim ang gatla sa kanyang noo.
“What did I do, Jhed?” gulat na tanong niya.
“Dapat pinigilan mo ang kuya mo na itapon ang mga pagkain,” sagot ko sa kanya at mabilis na itinuro niya ang kanyang kapatid. Na parang ito lang talaga ang may kasalanan.
“He’s the one who did that, Jhed. I’m innocent,” depensa niya sa sarili niya pero inirapan ko siya. “Jhed.”
“Kahit na ba,” ani ko.
Isang oras ang nakalipas at hindi pa rin umalis si Zemuis. Hinahayaan na rin siya ni Xenus pero bigla ay nagkaroon kami ng bisita.
Isang matandang lalaki pero ang strong pa nitong tingnan. Seryoso ang bukas ng mukha niya at wala kang mababasa na kahit na anong emosyon.
Pagkapasok niya nga ay nagmamadaling tumayo ang dalawang prinsipe at sinalubong ang lalaki. Matangkad ito and if I am not mistaken ay nasa edad 70 na siya.
“Grandfather,” magkasabay na sambit ng dalawa. Nanatiling nakaupo lamang ako at hindi rin ako umimik.
Hindi sila pinansin ng lolo nila—geez, may Lolo pa pala sila. Lumipat na kasi ang tingin nito sa akin. Kahit ang aura niya ay ang dilim at sobrang lamig.
“Grandfather,” Xenus called out his lolo nang maglakad ito palapit sa akin.
“What is your name, milady and what can you give my grandson besides his newborn baby?” he asked me at mabilis niyang sinulyapan ang crib ni Rence. Sumimangot ako sa kanya dahil isang crib lang ang napansin niya. Naningkit ang mga mata niya.
“Sorry for the mistake, Sir. But we have two children. A daughter and son,” I corrected him.
“Oh, great. But Milady, you need to see the elders because they have questions if you deserve my grandson,” he said at binalingan ko naman si Xenus.
Gaano ba siya kahalagang prinsipe at kailangan ko pang makausap ang elders na tinutukoy ng lolo niya?
“Grandfather, no...” marahan na sita ni Xenus. “They can’t meet my wife. Leave the elders alone,” he said coldly.
“No, Maicodel. Elders need to see her and you have nothing to do with this matter. A rule is still a rules. You can’t do nothing but to agree what they wants,” sabi rin ng lolo niya sa kanya.
“Please, Grandpa. Spare my wide. I’ll be the only one talking to them,” pamimilit pa rin niya.
“They are still the elders and who care your throne and name. Not even your father can do anything about this matter. Let them see the mother of your kids or else, she will not be recognized as a mother and your children will be taken. She doesn’t have the right to be the mother of children unless she can talk to the elders.”
“Grandfather! She is still the mother who gave birth to my kids! She’s the only one who have the rights!” sigaw ni Xenus at umawang ang labi ni Zemuis.
Malamig na masyado ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kasi isa lang ang ibig sabihin no’n. Galit na galit siya.
“Brother...” Zemuis called him.
Maski ako ay kinakabahan na sa mainit na pag-uusap ng mag-lolo. Kakaiba naman pala talaga magalit ang aking asawa at kahit ang lolo niya ay kayang-kaya niyang pagtaasan ng boses.
Mahigpit nang nakakuyom ang kamao niya at naglalabasan na rin ang mga ugat nito. Ilang beses na umigting ang panga niya at malamig ang mga matang nakatitig dito.
“You love her so much, do you Maicodel?” nang-aasar na tanong nito kay Xenus at inilingan pa ako.
“I will talk to the elders. Leave my husband alone, Sir,” ani ko at mabilis na hindi sumang-ayon si Xenus.