Chapter 17: Little argument
“JHED,” mariin na sambit niya sa pangalan ko. Inilingan ko siya at nagpakawala na siya ng buntong-hininga. Alam kong labag sa loob niya ang sinabi ko.
“Huwag ka nang makipagtalo pa sa lolo mo. Let him be, kung ano ang gusto niya ay gagawin ko. Hindi lang ito para sa mga anak mo. Para rin ito sa ’yo, Xenus,” ani ko at nag-iwas siya nang tingin sa akin. Binalingan niya ang kanyang kapatid.
“Zemuis, paalisin mo na rito si Grandfather,” mahinahong utos niya kay Zemuis. Nangunot tuloy ang noo ng lolo nila.
“What was that, Maicodel? Yes know how to—”
“Come on, Grandfather. Let’s go home,” pag-aaya ni Zemuis at hinawakan niya ito sa braso.
“You too, Zemuis?” gulat na tanong nito.
“Let’s go home.”
“Hey, wait! The kids!”
“Just visit them next time, Grandfather.”
Paglabas nga ng dalawa ay lumapit na sa akin si Xenus. Umupo siya sa chair na nasa gilid lang ng hospital bed ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nang pisilin ko ang kanyang kamay ay humigpit lang ito.
“Isa ba ito sa ginagawa mo para sa akin, Xenus?” tanong ko sa kanya at marahan siyang tumango.
“I hate him so much. Gusto talaga nilang ipitin ako sa sitwasyon,” sabi niya lamang at nginitian ko siya. I caressed his jaw again.
“I told you, gagawin ko ang lahat para sa ’yo. May tiwala ako sa ’yo, Xenus. Basta huwag ka lang gagawa ng isang bagay na hinding-hindi ko magugustuhan. Huwag kang maglihim sa akin, okay?” Sa sinabi ko ay gumuhit sa mukha niya ang kaba at takot. Sa halip na pansinin ko pa iyon ay hindi na lamang ako nagsalita pa. Dahil mabilis ding nawala iyon.
“Okay, if that’s what you want,” pagsuko niya.
***
One week kami sa hospital bago kami nakauwi sa mansion. Hindi na rin ako binisita pa ng lolo nila dahil hinigpitan ni Xenus ang bantay namin sa labas. I don’t even know kung bakit kailangan pa kaming bantayan. Eh, wala namang mangyayari sa amin na masama.
Kung nag-aalala lang siya sa lolo niya na baka kukunin nito ang kambal namin ay iyon ang hindi nito magagawa. Dahil gagawin ko ang lahat para lang protektahan ang aming anak. Hindi siya mananalo sa binabalak nila.
Pag-uwi nga namin ay nandoon si Margaret. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Xenus. Marahan niya lang din hinaplos ang baywang ko. Na tila pinapakalma niya rin ako.
“What are you doing here, Margaret?” my husband asked her. Matamis siyang ngumiti sa amin na kahit hindi naman totoong ngiti iyon.
“Congratulations, isa na kayong parents ngayon,” sabi niya lamang. I don’t even know if totoo ba ang saya na nakikita ko ngayon sa kanya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. “Thank you,” ani ko.
“Hmm, Jhed. Can I talk to your husband ng kaming dalawa lang?” paghingi niya ng permission sa akin.
“May gusto ka bang sabihin sa kanya na hindi ko puwedeng marinig?” tanong ko sa kanya at tumaas pa ang kilay ko.
“What is it, Margaret?”
“Hindi mo magugustuhan kung maririnig ng asawa mo, Xenus.” Mas lalo akong na-curious sa gusto niyang sabihin sa asawa ko. Tumigas lang ang ekspresyon ng mukha ko. Parang may inililihim silang dalawa sa akin.
“Spill it,” I said coldly.
“Jhed, ihahatid na muna kita sa kuwarto natin,” sabi niya at nang ’yon nga ang gagawin niya ay tinanggal ko ang kamay niya sa aking baywang. Pati na ang kamay niyang nasa siko ko.
“May inililihim ba kayo at gusto ninyo na huwag kong malalaman iyon?” malamig na tanong ko sa kanila.
Hindi nakakibo si Xenus pero ngumisi lang si Margaret.
“This is because your family na itinakwil ka dahil mas pinili mo si Xenus,” diretsong saad niya.
“Margaret,” mariin na sambit ng asawa ko sa pangalan niya. May awtoridad iyon.
“What? Hinahanap na rin siya ng pamilya niya, Xenus. Especially him,” sabi nito at tila may kahulugan ang sinasabi niya.
Pamilya? May sarili pa akong pamilya? Naguguluhan na tiningnan ko si Xenus. Madilim na ang facial expression niya. May hindi siya nagugustuhan sa nangyayari.
“I will talk to you next time, Margaret. My wife need to rest,” he said.
“Your wife, ha?” Mabilis na akong pinangko ni Xenus at dinala sa aming silid.
Nasa likuran din namin ang dalawang kinuha niyang babysitter. “Rest, Jhed.”
Hinaklit ko ang collar ng coat niya. “Tell me the truth, Xenus. Gusto kong malaman kung ano ang pinagsasabi ni Margaret. I have this strong guts na kilala niya ang family ko. May alam ka rin ba tungkol doon?” kunot-noong tanong ko.
“Jhed...”
“I told you, hindi ka puwedeng magsinungaling sa akin at magtago ng katotohanan. May pinag-usapan tayo, ’di ba?” Naglumikot ang mga mata niya at parang ayaw na rin niya akong tingnan ng diretso sa mga mata ko. “Xenus.”
“I’m sorry... I’m sorry, Jhed. I just love you... Kaya...kaya ko nagagawa ito sa ’yo.” Punong-puno ng pagsisisi ang mga mata niya. May ginawa kaya siyang hindi maganda? Isang bagay na hindi ko gusto? Palagi pa naman siyang humihingi ng pasensiya siya sa akin.
He also told me na kung may ginawa man siya na hindi kaaya-aya ay kung sa tingin ko raw na hindi niya deserve patawarin ay huwag kong gawin. Na huwag ko siyang patawarin at mas pipiliin niya ang magdusa.
But I can’t see him like this. It seems he’s suffering. Ayokong pagdudahan siya dahil alam niya kung kailan ko iyon magagawa sa kanya. Siya lang din kasi ang nakikita kong nahihirapan talaga.
“It’s okay. Hindi na kita pipilitin pa na sabihin sa akin ang totoo. But just tell me if may family pa ba ako. Iyon lang ang gusto kong malaman sa ngayon, Xenus,” ani ko at tumango na siya.
“Only child ka lang ng parents mo. You don’t need to worry about them, Jhed. Nasa mabuting kalagayan naman ang Mommy at Daddy mo. May sarili silang business...” he said. Kahit iyon lang ang ikinuwento niya sa akin. Ang malaman ko lang na nasa maayos na kalagayan naman ang parents ko ay tila nabunutan na ako ng tinik sa aking lalamunan.
Pero totoo kayang itinakwil ako ng mga ito dahil pinili ko ang asawa ko kaysa sa kanila? Ganoon ko ba talaga kamahal si Xenus kaya nagawa ko ring iwan sina Mommy at Daddy?
“Sapat na sa akin ang malaman na okay sila, Xenus,” ani ko.
“If you want... puwede ko silang iguhit just for you.”
“I like that, Xenus. Please,” I said. He kissed my temple and smiled at me.
Hindi ko alam kung kailan itinakda ang araw na kausapin ako ng elders. Gayon pa man ay pinaghahandaan ko na rin. Pero siguro in-extend lamang nila ng ilang mga araw dahil alam nilang kapanganganak ko pa lamang.
Nang malaman nga iyon ng daddy ni Xenus ay bumisita agad siya sa mansion namin—sa una ay iyon ang purpose niya pero nang makita niya ang dalawang apo niya ay mukhang nakalimutan na rin niya ang plano niya kung bakit siya pumunta rito.
Hindi ko siya nakikitaan ng kahit ano'ng emosyon habang tahimik na tinititigan niya lamang ang kambal. Ni gumalaw ay hindi niya ginawa pero ang mga mata niya. Kakaiba ang kislap no’n at makikitaan mo rin ng sobrang saya.
Eksaktong anim na buwan ang nakalipas ay nagising na lamang ako isang umaga na umalis si Xenus. Nagpaalam siya sa akin gamit ang pag-iiwan niya ng video sa cellphone na gamit ko.
Nasa bisig niya pareho ang aming anak habang gumagawa nga siya ng video at nagpapaalam sa akin.
“Hi, Jhed. It’s me, Xenus Maicodel. Look, oh. I’m with our twins, Rence and Qence,” aniya at hinalo niya sa tuktok ng mga ulo ang kambal. Sa laki niya ngang tao ay ang liit lang sa mga bisig niya ang mga anak namin. “It’s 12 midnight but gising pa silang dalawa. Nagising kasi kanina ang munti nating prinsesa dahil nagutom siguro siya tapos sunod itong prinsipe natin. Jhed, bukas baka paggising mo ay wala na ako sa tabi mo. Dahil aalis ako at ako ang makikipag-usap sa elders. Hindi puwedeng ikaw ang pumunta kasi baka matagalan ka. Mas mabuting ako na lang ang aalis at maiiwan ka rito sa bahay natin kasama ang dalawang baby na ito. I’ll be back, Jhed. I promise you that. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin.”
Nabitin ako sa pagpapaalam niya sa akin dahil wala na siyang karugtong pa. Pero nakontento naman ako sa huli dahil ang ingay na nilang tatlo.
Ngunit naalala ko naman ang pagpapasya niya ng hindi sinasabi sa akin. Iyon ang hindi ko nagustuhan. Kung kaya’t pinakiusapan ko si Zemuis na tawagan ang kuya niya upang makausap ko.
Hindi pa raw ito sinagot noong una nang hindi lang sinabi ni Zemuis na galit na galit ako dahil sa biglaan niyang pag-alis.
“Jhed? What happened? Bakit tumawag ka na agad sa akin?” sagot niya mula sa kabilang linya.
“Sino ang nagsabi sa ’yo na aalis ka na lamang bigla?” pagalit na tanong ko at nawalan kaagad siya nang imik.
“Jhed...”
“Kung aalis ka ay magpaalam ka sa akin nang maayos, Xenus. Hindi iyong ganito,” ani ko sa kanya.
“I’m sorry. Kailangan lang talaga...”
“Sana ay hinayaan mo na lamang ako.”
“No. Mas kailangan ay manatili ka riyan para sa kambal natin, Jhed.” I took a deep breath.
“Ilang araw ka bang mawawala?” tanong ko. Sanay naman ako na wala siya but I can’t help to worry about him.
“I’m not sure...but I’ll be back as soon as possible. Para sa ating apat ang gagawin kong ito, Jhed. Intindihin mo sana ako.”
“Basta wala kang gagawin diyan na ikagagalit ko dahil makikita mo rin kung paano ako magalit, Xenus.”
“I promise you that. Wala akong gagawin na ikagagalit mo o kahit ikasasakit mo. Basta palagi mong tatandaan na ginagawa ko ito para sa atin. Okay?”
Ano pa nga ba ang magagawa ko kung nagdesisyon na siya ng mag-isa? Tatanggapin ko na lamang iyon at hihintayin ko na lang siya na makabalik dito sa amin.
“Okay. I’m gonna miss you,” ani ko at narinig ko ang malutong niyang pagmura.
“Me too. Ngayon pa nga lang ay na-miss na kita.” Napalingon ako sa crib ng marinig ko ang pag-iyak ng baby ko. “Oh, come on Jhed. Ibaba mo na ang tawag. Naririnig ko na ang boses ng anak ko!” reklamo niya. Natawa lamang ako sa kanya at inilapit ko pa kay Rence ang phone.
“Rence, it’s your Daddy Xenus.”
“Jhed!”
Biglang huminto ang anak ko nang marinig niya ang boses ng daddy niya at dahan-dahan na tumulis ang labi niya. Mayamaya lang ay bumungisngis na siya at hinawakan niya ang paa niya. Pinaglalaruan na niya ang suot niyang medyas. Samantalang si Qence ay mahimbing pa rin ang tulog.
“Gigisingin ko rin si Qence para marinig mo ang boses niya, Xenus,” ani ko at inilapag ko sa crib ang cellphone ni Zemuis pagkatapos kong itong ilagay sa speaker.
“My love, don’t torture me!”
Nang hawakan ko ang kamay ng baby girl ko ay bigla siyang dumilat pero nang makita niya ako ay ngumiti siya. Natawa pa siya dahil kilalang-kilala niya nga ang Mommy niya.
Nang nasa bisig ko na siya ay ilang beses kong hinalikan ang pisngi niya. “Xenus, hindi iyakin ang baby girl natin. Behave lang siya palagi,” wika ko at narinig ko ang mahinang pagdaing niya.
“Jhed, please...”
“You heard that, baby? Si Daddy iyon,” I told her.
“Jhed...please don’t do this to me...”
“Wala naman akong ginagawa, Xenus. Kasama ko ang mga anak mo na gising na at wala pa rito ang babysitter nila. Baka gutom na ang baby kittens natin,” ani ko pa.
“Akin na si Rence!” Siya namang pagpasok ni Zemuis at dumeretso agad siya sa crib ng pamangkin niyang si Rence.
Nakilala rin naman siya nito dahil napangiti nang makita ang Uncle Prince niya. Si Zemuis na naman ang titingin sa aming mag-iina habang wala ang asawa ko.
“Kung hindi lang kita kailangan, Zemuis ay hindi ko talaga hahayaan na puntahan ang mag-iina ko.”
“Oh, what was that?”
“I will call you next time, Xenus. Bye, ingat ka riyan.” Bago ko ibaba ang tawag ay narinig ko pa ang sinabi niya.
“Okay, I love you...”